Tuesday , July 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Singer/aktres, ok lang ‘di kumayod, dyowa kasi ng sikat na politiko
Singer/aktres, ok lang ‘di kumayod, dyowa kasi ng sikat na politiko

Singer/aktres, ok lang ‘di kumayod, dyowa kasi ng sikat na politiko

KAYA naman pala okey lang sa singer-actress na ito kahit nakatengga lang sa trabaho, balita kasing siya ngayon ang apple of the eye ng isang sikat na politiko.

“’Di ba, wala naman tayong nababalitaang show o concert ng hitad these days? Hindi na rin siya sumososyo sa pagpo-produce ng mga show? Kasi nga, ang tsika, siya ngayon ang dyowa ng lolo mong Richie-richie,” bungad ng aming source.

Nagtataka lang ito dahil kung tutuusi’y hindi naman ang karakas ng singer-actress ang tipong makukursunadahan ng politiko.

“Knows naman natin na ang bet ng lolo mo, eh, mga Tisay, mga seksi. Pero itong singer-actress na itey, hindi naman ganoon. At may mga dyunakis pa. Pero masuwerte na rin ang hitad kung siya ngayon ang dyowa ng lolo mo, wichels na niya kailangan pang mag-work ng bonggang-bongga,” dagdag pang impormasyon ng aming katsika.

Da who ang singer-actress na itey? Itago na lang natin siya sa alyas na Pamela Ferrari.

(Ronnie Carrasco III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved