Saturday , October 20 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P6-M shabu nasabat sa Cebu
P6-M shabu nasabat sa Cebu

P6-M shabu nasabat sa Cebu

KOMPISKADO ang P6 milyon halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang high-value target sa Sitio Lawis, Brgy. Mam­baling, Cebu City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni C/Insp. Regino Maramag, hepe ng Pardo Police Station, ang arestadong suspek na si Reneil Estomago, 28-anyos, residente sa nabanggit na lugar.

READ MORE:  Pulis, 1 pa patay sa nang-agaw ng boga ng sekyu

Inihayag ng pulisya, nakabili ang mga operatiba ng shabu mula sa 27-anyos suspek makaraan ang isang buwan surveillance.

READ MORE:  Mag-live in partner sinilaban ng dating mister

Nang madakip ang suspek makaraan tanggapin ang marked money, nakuha sa kaniya ang kalahating kilo ng shabu na nasa limang pakete.

READ MORE:  8 rice warehouses sa Bulacan ininspeksiyon

Iginiit ng suspek na hindi sa kaniya ang droga at napag-utusan lang umano siyang i-deliver ito kapalit ng P500.

Inaalam ng pulisya kung sino ang supplier ng suspek.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved