Tuesday , July 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Hindi makabuo ng sanggol: Misis iniwan ni mister, nagbigti
Hindi makabuo ng sanggol: Misis iniwan ni mister, nagbigti

Hindi makabuo ng sanggol: Misis iniwan ni mister, nagbigti

NAGBIGTI ang isang 36-anyos misis makaraan iwa­nan ng kanyang mister sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktimang si Lucila Genoso, residente sa Valenzuela City, natag­puang nakabigti sa bahay ng kan­yang kaibigan sa Bonifacio St., Brgy. Tugatog, Malabon City, 12:45 ng madaling-araw.

Sa pahayag ng kaibigan ng biktima na si Geneflor Alabata, 35, sales super­visor, kay PO2 Alcee Clemente Jumaquio, nang dumating siya dakong 12:00 am, napansin niyang ang main door ng kanilang bahay ay nakakandado sa loob kaya’t tinawagan niya sa telepono ang biktimang naiwang mag-isa ngunit hindi aniya sumasagot.

Bunsod nito, humingi ng tulong si Alabata sa kanyang mga kapitbahay at sapilitang binuksan ang bahay. Pagka­raan ay nadiskobre nilang nakabigti ang biktima at wala nang buhay.

Nabatid sa imbesti­gasyon, iniwan ng kanyang mister ang biktima dahil wala siyang kakayahang makabuo ng sanggol.

(ROMMEL SALES)

 

COMMENTS

About Rommel Sales

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved