Tuesday , July 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Hataw Extras / Gumaling sa Krystall products healing blessings gustong i-share
Gumaling sa Krystall products healing blessings gustong i-share

Gumaling sa Krystall products healing blessings gustong i-share

Dear Sis Fely Guy Ong.

Magandang araw sa iyo Sis Fely. 

Dalawang sulat ko na ito sa column ninyo sa Hataw. Ang aking ipatotoo sa inyo, ang Krystall products ay magaling talaga sa tulong ng Diyos.

Sis Fely, una kung ipapatotoo ang Krystall oil. May bukol ako malapit sa tainga. Pinahiran ko ng Krystall oil sa loob ng three (3) days lang ay nawala na.

Ang pangalawa kong ipapatotoo ay Krystall Fungus. Kasi po ang aking breast ay masakit at makati. Sobra talagang masakit sa loob ng Breast ko.

Nang nagpunta ako sa VM Tower para magpa-check-up. Ang ibinigay sa akin ay Krystall Fungus. Napakagaling talaga at lumakas ako. Nag-volunteer ako noon sa pagdating ni Santo Papa, kasi January nag-take ako ng Krystall Fungus.

Pangatlo, nasugatan ako. Ang inilagay ko ay Krystall Powder. Dalawang beses ko lang nilagyan magaling na agad, wala pang peklat. At ang Krystall Soaking Powder, ginagamit ko rin ngayon.

Hindi na po ako pinupulikat at hindi na po ako natatakot ‘pag may nararamdaman ako at saka itinuro ko na rin sa aking mga kaibigan at kakilala. Nagdadala ako ng Krystall Herbal Oil sa aking bag at araw-araw akong nakikinig sa DWXI.

Bumibili ako ng HATAW para basahin ang column ninyo tuwing Lunes, Miyerkoles, at Biyernes kasi ginagawa kung libro para mahasa ang aking isipan para sa panggagamot at nakapag-seminar na rin ako sa inyo.

Salamat sa iyo Sis Fely at sa Diyos.

Gumagalang,
SIS ELISA LAQUNE 

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’s HEALING
ni Fely Guy Ong

COMMENTS

About Fely Guy Ong

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved