Monday , October 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pag-uugnay kina Alexa at Nash, itigil na
Pag-uugnay kina Alexa at Nash, itigil na

Pag-uugnay kina Alexa at Nash, itigil na

SA interview ni Alexa Ilacad sa Pep.ph, sinabi niya na buwag na ang love team nila ni Nash Aguas, ang NLEX. Ikinalungkot din naman niya ang nangyari, pero mas mabuti na tapusin ang kanilang love team, kaysa patuloy silang manloko ng kanilang mga tagahanga.

“Wala na, para kasing nagkaroon kami ng personal issues, pero okay kami. Hindi kami magkaaway o magkagalit or anything. Naisip lang namin na ayaw naming manloko ng fans na kunwari super okay, smiling and all. Ayokong magpaasa, ‘tapos one day biglang makikita na lang na wala na. Parang mas heartbreaking kasi ‘yun, eh. Fan din ako,” sabi ni Alexa.

READ MORE:  Social Media Queen title, naagaw na ni Mocha kay Kris

Patuloy niya, ”At saka naisip namin, to be able to work professionally, mas masaya or mas madaling mag-work kapag 100 percent okay na lang. We chose it would be better for us also individually to try new things.”

Para sa amin, mas mabuti ngang buwagin na lang ang loveteam nina Nash at Alexa. Sa napapansin kasi namin, hindi naman sumisikat ang tambalan nila. Nauna ngang ibinuild-up ng Kapamilya Network ang loveteam nila kaysa JoshLia (Joshua GarciaJulia Barretto), pero mas sumikat ang loveteam ng dalawa.

READ MORE:  Katya, magbabalik-Kapamilya matapos magsilang ng baby girl
READ MORE:  Anak ni Jolens, 18 mos. ang kontrata sa Megasoft

Baka ngayong hiwalay na sila as loveteam, at ibi-build up na lang ng solo, baka mas sumikat sila, na baka mas mapasin sila ng publiko, ‘di ba?

MA at PA
ni Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved