Saturday , August 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Taguig tenement residents pinaglalaruan lang ba tuwing eleksiyon?!
Taguig tenement residents pinaglalaruan lang ba tuwing eleksiyon?!

Taguig tenement residents pinaglalaruan lang ba tuwing eleksiyon?!

NALALAPIT na naman ang eleksiyon at gaya nang dati, nasa balag na naman ng alanganin ang mga taga-Taguig Tenement.

Ilang beses na nga ba silang pinanga­ku­ang igagawa ng bagong tahanan dahil kai­langan nang gibain ang lumang gusali?!

Ang sabi, bibigyan sila ng paglilipatan pero kapag malapit na ang eleksiyon, hindi naman natutuloy ang relokasyon.

READ MORE:  Ganyan ang tongpats sa Makati

Ilang pangako na umano ang binitiwan ni Mayor Lani Cayetano pero gaya sa isang pangkaraniwang politiko, paulit-ulit itong napapako.

Ano ba talaga, Mayor Lani Cayetano?!

READ MORE:  BI official bad shot sa mataas na opisyal ng Malacañang

Ang pangako ninyong relokasyon ay parang, laban-laban, bawi-bawi sa mga mamamayan.

Kung ayaw ninyong pakawalan ang kanilang boto, aba, gawan n’yo sila ng on-site relocation at tuparin ninyo.

Matandang building na ang Taguig Tenement, e paano kung diyan sila abutan ng Big One?!

READ MORE:  Maynilad makupad magtrabaho sa Sucat

Iligtas ninyo ang constituents ninyo, Mayor Lani!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved