Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / FPJ’s Ang Probinsyano, hanggang 2019 pa
FPJ’s Ang Probinsyano, hanggang 2019 pa

FPJ’s Ang Probinsyano, hanggang 2019 pa

“H INDI ko masasabi  kung hanggang kailan. Hangga’t gusto ng manonood at marami pa kaming mai-offer na istorya, magpapatuloy ang Ang Probinsyano.”

Ito ang tinuran kahapon ni Coco Martin sa launching ng second TV commercial niya bilang brand endorser ng Sarsaya ng Ajinomoto sa Las Casas Filipinas de Acuzar.

READ MORE:  “10,000 Hours” humakot ng parangal sa 39th MMFF

Ani Coco, hindi rin niya masasabi kung tatagal ng hanggang 2019 ang FPJ’s Ang Probinsyano dahil sa rami ng puwede pa nilang puwedeng gawin sa action-serye

Sa­mantala, pinabulaanan din ng ABS-CBN ang haka-hakang nakatakda nang magtapos ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Anang ipinadalang statement ng Kapamilya, patuloy na nae-enjoy ni Coco at ng mga writer ng programa ang pagbuo ng mga bagong ideang magdadagdag ng aliw, aksiyon, at aral sa kuwento nito, pati na ang pakikipagtulungan nila sa buong cast at production team.

READ MORE:  Pareho Tayo ni Gloc-9, naka-600 download agad kalahating araw pa lang naipo-post
READ MORE:  Ina Feleo, excited makatrabaho ang AlDub!

Nananatili ring top-rater ang FPJAP gabi-gabi, at maaasahan ng ating mga Kapamilya na magpapakilala pa ito ng mga bagong kuwento at karakter sa pagpasok ng serye sa ikatlong taon nito.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved