Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Vilma, Sharon, ‘di kabilang sa ICON awardees ng Eddys
Vilma, Sharon, ‘di kabilang sa ICON awardees ng Eddys

Vilma, Sharon, ‘di kabilang sa ICON awardees ng Eddys

KAPANSIN-PANSIN na hindi kasama sina Vilma Santos at Sharon Cuneta sa mga pararangalan bilang Icon Awardees ng The Eddys (ng grupong SPEEd), na ang awards night ay gaganapin sa Lunes, July 9.

Bakit nga ba?

Kung hihingan kami ng opinyon, may kanya-kanyang pamantayan ang bawat award-giving body. Kung sa listahan ng mga nominado nga, iba-iba ang panlasa nga mga ito. Take the case of Famas na sa Best Supporting Actor nominees’ list bumagsak si Aga Muhlach (para sa pelikulang Seven Sundays).

READ MORE:  Kim Rodriguez, pantasya ng mga kalalakihan

Kung sa talaan ng mga nominado’y nag-iiba ang selection process, pagdating sa mga winner pa kaya?

Kung kilala namin ang mga diehard Vilmanian ay iisa lang tiyak ang kanilang itatanong: bakit inisnab ang idol naman, eh, ‘di hamak namang mas iconic si Ate Vi kaysa kay Maricel Soriano?

READ MORE:  ‘Kakirihan’ ni Heart, ‘di maitago ‘pag kasama si Chiz

At parang nakasanayan na kasi ang hindi mamatay-matay na professional rivalry kina Ate Vi at Nora Aunor. Hence, ang isa pang tanong tiyak ng mga Vilmanian: bakit hindi isinama si Ate Vi samantalang kakontemporaryo niya si Nora?

Kung mapapansin din kasi, ang mga tinaguriang Movie Queens ang Icon Awardees tulad nina Susan Roces at Gloria Romero. Dapat din daw ay kasama si Ate Vi who’s also a Movie Queen herself.

READ MORE:  Nathaniel, inspiring at heartbreaking teleserye ng Dreamscape

Again, gusto naming igalang ang The Eddys. Mayroon silang set of criteria na siguro naman ay hindi na lang kailangan pang ianunsiyo o ipaliwanag sa publiko.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

 

 

 

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved