Wednesday , August 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jolo, kompositor na (‘di lang actor at public servant)
Jolo, kompositor na (‘di lang actor at public servant)

Jolo, kompositor na (‘di lang actor at public servant)

MAY problema man ang puso ni Vice Governor Jolo Revilla, hindi iyon nakapigil sa kanya para makapagsulat ng kanta. Tila iyon pa ang naging daan para maging inspirado na makasulat ng tatlong kanta.

Napakinggan namin ang isa sa tatlo, ang Nahulog na nilapatan ng tunog ng kompositor at director na si Joven Tan at gagamiting themesong sa pagbabalik-pelikula ni Jolo, ang Tres.

Ang Tres ay isang action film na pagbibidahan din nina Bryan at Luigi Revilla. Bibida si Jolo sa 72 Hours, si Bryan naman sa Virgo, at si Luigi sa Amats at ididirehe nina Dondon Santos at Richard Somes.

READ MORE:  Sexy picture ni KC, ‘di bastos, disente pa rin ang hitsura
READ MORE:  Kasalang Marian at Dong, next year na!

Maganda ang mensahe at titik ng Nahulog, tulad ng… “Hinihintay lamang sa iyo…dahil ako’y nahulog na sa iyo…” Kaya ang tanong namin, para kanino kaya ang awiting ito at sino ang iniisip ni Jolo habang isinusulat ito?

READ MORE:  Aktor, mahilig ‘mag-grocery’ sa bahay na pinupuntahan

Ang Nahulog ay gagawan din ng music video na ididirehe rin ni Dondon Santos.

Ang Tres ay entry ng Imus Productions sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved