Wednesday , August 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Basketbrawl’ isinisi sa “racist” Aussie cager
‘Basketbrawl’ isinisi sa “racist” Aussie cager

‘Basketbrawl’ isinisi sa “racist” Aussie cager

SINISI ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles ang mga play­er ng Gilas at Australia sa ‘basketbrawl’ na nangyari sa FIBA World Cup Qualifier nitong Lunes.

Ayon kay Nograles parehong “unsports­manlike” ang naging asal ng dalawang  kopo­nan pero ang mga “racist” na komentaryo ng ilan sa mga manla­laro ng Australia ang lalong nagpainit sa mga taga-Gilas at mga sup­port­er nito.

READ MORE:  Nigerian nilimas ng holdaper

“Hindi kanais-nais ang nangyari sa isang in­ternational event kagaya nito,” ani Nograles.

Nagpahayag nang pangamba si Nograles sa magiging epekto nito sa pangarap ng Filipinas na mag- host sa 2023 World Cup at ang pag­kawala ng “automatic slot” nito sa magaganap na laban bilang “tour­nament host.”

READ MORE:  Guro tumalon mula 25ft. tulay, ligtas (Sa Quezon Province)

Puwede rin, aniya, pagbawalan ang Filipinas na sumali sa mga dara­ting na laro sa FIBA.

Sa kabila nito, iki­nalungkot ni Nograles ang umano’y “racist” na komentaryo ng isang manlalaro ng Australia pagkatapos ng basketball.

Partikular na tinukoy ni Nograles si Australian Boomer Chris Goulding na tina­wag ang mga Filipino na mga ungoy.

READ MORE:  ERC chairman idiniin ni Villa sa iregularidad

“Philippino Mon­keys!!! Trash team. Trash crowd. Trash federation. Trash country. #Dis­grace­ful,” ulit ni No­grales sa sinabi ni Goulding.

Aniya si Goulding ay dapat patawan ng karampatang parusa ng FIBA sa mga komentar­yo niya.

ni Gerry Baldo

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved