Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 416 bala kompiskado sa pasahero sa NAIA
416 bala kompiskado sa pasahero sa NAIA

416 bala kompiskado sa pasahero sa NAIA

NAKOMPISKAHAN ng airport authorities ng 416 piraso ng basyo ng bala ng .38 kalibreng baril ang isang Filipino na US citizen, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2, nitong Lunes.

Ayon sa Manila Inter­national Airport Autho­rity (MIAA), na-detect ang mga bala sa resealable transparent plastic bag sa loob ng isang kahon sa isinaga­wang routine x-ray ins­pect­ion.

READ MORE:  Sumukong drug users isasalang sa ALS — DepEd

Makaraan ang man­ual inspection, sinabi ng Laoag-bound Filipina, mula sa Honolulu, ang kahon ay pag-aari ng kanyang bayaw na nakiusap na dalhin niya ito.

READ MORE:  FEU prof natagpuang patay

Idinagdag niyang siniguro sa kanya ng bayaw na ang kahon ay naglalaman lamang ng mga damit.

Sinabi ni MIAA Gene­ral Manager Ed Monreal na kinompiska ang mga bala habang ang pasahero ay hinayaan sa kanyang connecting flight patungo sa Laoag.

READ MORE:  Magsasaka utas sa selosang dyowa

Ipinaalala ni Monreal sa publiko na suriin ang kanilang bag upang mati­yak na ang mga bagay na ipinadadala sa kanila ay hindi kontrabando upang maiwasan ang abala.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved