Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lloydie, umalma: binyag ng anak ‘di totoo
Lloydie, umalma: binyag ng anak ‘di totoo

Lloydie, umalma: binyag ng anak ‘di totoo

BINARA ni John Lloyd Cruz sa pamamagitan ng kanyang social media post ang report ng isang on line newspaper tungkol sa tsismis na pinabinyagan daw sa mismong ospital ang anak nila ni Ellen Adarna. Ang usapan nga, bakit sasabihin ni John Lloyd na bininyagan na ang anak nila ni Ellen eh ni hindi nga nila inaamin na buntis iyon.

Iyon namang report na iyon, galing lang sa mga tsimoso na nag-uusap sa internet na nagsasabing nanganak na nga si Ellen noon pang June 27, at tapos pinabinyagan agad iyong bata roon mismo sa kanyang kuwarto sa ospital. May karugtong pa iyong tsismis na iyon. Wala si John Lloyd noong binyagan ang anak nila ni Ellen. Puwede ba naman iyon?

READ MORE:  Derek at Mary Christine, nagkasundo na

Isipin ninyo, si John Lloyd tinalikuran ang kanyang career dahil sa nangyari sa kanila ni Ellen, tapos kung totoo ngang nanganak na iyon at bibinyagan, papayag ba siyang wala siya? Puwedeng mangyari pero parang kakatuwa naman ang ganoon.

READ MORE:  Kim, Xian, Jona, Matteo, Ronnie at Angeline, nagsipaghataw sa concert scene

Tingnan ninyo iyong isa pa, si JC de Vera, kung sa bagay hindi naman siya ganoon kasikat kaya hindi masyadong napag-usapan, pero naglihim din. Noong may anak na, inilabas din niya ang anak niya. Sa kaso niya nangyari naman iyon nang walang nakapansin eh, hindi naman kasi sinusundan ng tao ang buhay niya na kagaya ni John Lloyd.

Tingnan din ninyo si James Yap, at ang girlfriend niyang si Michela Cazzola, pati na iyong pati unang pagkikita ng kanilang panganay na si MJ at ng bagong panganak na si Francesa Michelle ay ibinabalita nila sa lahat. Kasi talagang nakatutuwa naman ang ganyan na ipagmalaki mo ang iyong anak.

READ MORE:  James at Nadine, mala-tambalang Boyet at Vilma

Kaya naniniwala kami sa isang araw, magugulat na lang kayo at ilalabas din niyang si John Lloyd ang anak niya kay Ellen. Huwag ninyong puwersahing ilabas na ngayon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved