Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sa Nueva Ecija: Gen. Tinio mayor todas sa ambush

Sa Nueva Ecija: Gen. Tinio mayor todas sa ambush

BINAWIAN ng buhay si Mayor Ferdinand Bote ng bayan ng General Tinio, Nueva Ecija makaraan pagba­barilin nitong Martes, ayon sa ulat ng pulisya.

Ang insidente ay naganap isang araw ma­karaan barilin at mapatay si Tanauan City Mayor Antonio Halili habang nasa flag cere­mony sa Batangas nitong Lunes.

Sinabi ni Philippine National Police chief, Director Oscar Albayalde, ang alkalde ay pinagba­baril ng hindi kilalang mga suspek na lulan ng motorsiklo habang lulan ng kanyang sasakyan mula sa National Irriga­tion Administration office sa Cabanatuan City.

READ MORE:  Kaso vs ‘termite gang’ ibinasura ng piskalya (Sa Pasay City)

Sinabi ni NIA-Caba­natuan manager Rose Bote (hindi kaanak ng alkalde), ang opisyal ay palabas ng kanilang opisina lulan ng kanyang sasakyan dakong 4:30 pm nang pagbabarilin ng mga suspek.

READ MORE:  Reklamo ni Faeldon vs Trillanes ibabasura (Sa Ethics Committee) — Drilon

“May CCTV po kami sa gate, nakita po namin ‘yun, noong ini-review po ‘yung CCTV, noong pala­bas na po siya sa high­way. Nakasakay po siya sa sasakyan,” ayon kay Rose Bote.

“Papaliko na po siya sa highway, mayroon pong isang naka-black na mama na tumutok po doon sa sasakyan niya. ‘Yun pong sa CCTV nakatayo po e, wala po sa sasakyan.”

READ MORE:  Chief fiscal sibakin sa $10-M Okada estafa cases

Ayon kay Rose Bote, ang driver ng alkalde, na hindi tinamaan sa insi­dente, ay isinugod ang opisyal sa hindi kala­yaang Cabanatuan City Hospital ngunit hindi umabot nang buhay.

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved