Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Usec, TV host nadale ng Ipit Gang sa Makati hi-end mall
Usec, TV host nadale ng Ipit Gang sa Makati hi-end mall

Usec, TV host nadale ng Ipit Gang sa Makati hi-end mall

MULING umatake ang Ipit Gang sa loob ng isang kilalang mall sa lungsod ng Makati at nakuha ang cellphone ng GMA-7 Unang Hirit host na si Lyn Ching-Pascual at nabik­tima ang isa pang govern­ment official.

Sinabi ni Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon, nagpunta sa kanilang tanggapan si Lyn Ching-Pascual, 44, ng Brgy. Pansol, Quezon City, para i-report ang nangyari sa kanya sa loob ng Zara Store Powel Plant sa Rockwell Center sa Brgy. Poblacion ng lungsod nitong Sabado, 4:14 ng hapon.

READ MORE:  Barker na tulak ng droga kinatay sa Pasay

Ikinuwento ni Ching kay Simon,  namimili siya sa boutique sa Rockwell nang ginitgit at inipit siya ng apat babae sa isang sulok sa kalagitnaan ng sale.

Nakita sa close circuit television (CCTV) nang busisiin at kinuha ng babae mula sa bag ang cellphone ni Ching at ipinasa sa isang kasama, na siyang lumabas sa boutique.

READ MORE:  Vice Mayor Polong, Atty. Mans Carpio umeeksena sa BoC (Alegasyon ni Trillanes)

Akmang kukunin ng babae ang wallet ni Ching, ngunit napansin siya kaya’t lumipat ng ibang rack si Ching ngunit sinundan pa rin siya ng suspek.

Nang akmang kuku­nin ng babae ang wallet, napatingin si Ching kaya umiwas ang isa sa mga suspek. Nang matukla­san ni Ching na nawawala ang kanyang cellphone ay agad siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya para magpa-blotter at ipasilip ang nakalagay na CCTV camera para sa pagka­kilanlan ng mga suspek.

READ MORE:  NBI nagbabala sa bagong synthetic drugs

Pangalawa nang bik­tima si Ching ng Ipit Gang sa boutique dahil naku­haan din ang isang govern­ment under­secretary ng dalawang cellphone, mahigit 15 minuto bago ang TV host.

Nalaman ng under­secretary ang nangyari nang nagkasabay ang kanyang misis at TV host sa pagsusuri sa CCTV footage ng boutique.

(JAJA GARCIA)

COMMENTS

About Jaja Garcia

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved