Saturday , August 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sa kaso ng pagpaslang kay Halili: PNP hinimok kumalap pa ng ebidensiya
Sa kaso ng pagpaslang kay Halili: PNP hinimok kumalap pa ng ebidensiya

Sa kaso ng pagpaslang kay Halili: PNP hinimok kumalap pa ng ebidensiya

NANAWAGAN ang isang kongresista sa Philippine National Police na paigtingin ang pagha­hanap ng ebiden­siya sa pagpatay kay Tanauan Mayor Antonio Halili at huwag umasa sa mga testimonya ng mga nag­pa­kilalang saksi.

Ayon kay Rep. Ciriaco Calalang ng Kabayan partylist, dapat mag­karoon “solid physical” at  “forensic evidence” ang mga pulis laban sa mga suspek.

READ MORE:  3 sangkot sa droga napatay (7 arestado)

Ani Calalang, miyem­bro ng House Committee on Public Order & Safety, kailangan sigurado ang ebidensiya at panga­ngalaga bago magsampa ng kaso.

Dapat tama ang kasong isasampa upang hindi ito mapawalang-saysay sa pamamagitan ng “technicalities” at “sloppy police work.”

Sinabi rin ni Calalang na tigilan ng pulis ang pagbibigay ng “press briefings” na humaharap ang mga opisyal nito tungkol sa mga kasong wala naman silang direktang pagkakaalam.

READ MORE:  Dalagita nabuntis, lolo tinutugis

Ani Calalang, mas mabuti pang iharap sa media ang mismong mga imbestigador.

Kaugnay nito, nana­wagan ang Human Rights Watch (HRW) na magka­roon ng tunay na imbes­tigasyon sa pagpatay kay Halili.

Hindi, umano sila sangayon sa mga gawain ni Halili kagaya ng pagparada sa kalye ng “drug suspects” pero hindi rin daw sila sang­ayon sa pagpatay sa kan­ya. Nanawagan si Carlos Conde ng HRW na wakasan na ang “culture of impunity” sa bansa na libo-libo na ang namatay sa tokhang, mga tribo, mga manunulat at mga politiko.

READ MORE:  Hikayat sa kababaihan sa Caloocan: Cervical screening, breast exam samantalahin — Mayor Oca

(Gerry Baldo)

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved