Wednesday , August 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Mayor Halili kaaway ba o kakampi ng droga?
Mayor Halili kaaway ba o kakampi ng droga?

Mayor Halili kaaway ba o kakampi ng droga?

ITINUMBA kahapon ng isang ‘sniper’ si Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili habang pinangungunahan niya ang pagtataas ng watawat para sa flag raising ceremony.

Eksakto sa linyang, “ang mamatay nang  dahil sa iyo, tinutop ni Mayor Halili ang kanyang dibdib dahil doon siya sinapol ng bala.

Marami ang nagulat sa pangyayari nang makita nilang agad na natumba ang alkalde.

Magugunitang pumutok ang pangalan ni Mayor Halili dahil sa kanyang walk of shame.

Lahat ng mga tinatawag nilang adik at magnanakaw ay ipinaparada at pinaglalakad niya nang may karatula sa dibdib sa matataong lugar sa lungsod.

READ MORE:  Alias Kolokoy Galebo nagpapakilalang pangkalahatang kolektong sa manila vendors (DILG, INTEL, CIDG/CIDU ipinangongolektong rin!?)

Kaya ang sabi, marami ang galit sa kanya.

Maging ang mga pulis nga ay galit kay Halili at pumutok din na siya ay nasa ‘drug watchlist.’

Pero ang sabi ni Yorme, hindi totoo ‘yan. Trabaho lang ‘yan ng mga kalaban niya sa politika.

Ang tanong ng marami ngayon, sino ang ‘tumira’ kay Mayor Halili!?

READ MORE:  Si Tanda, si Sexy at si Pogi sa Blue Book ng ‘Pork Barrel’ Queen

Sindikato ba ng droga o mga ‘pulis’ na nagsabing siya ay konektado sa ilegal na droga?!

O mga kalaban niya sa politika?!

Nakalulungkot na nagaganap ang ganitong mga pangyayari sa ilalim ng administration ni Pangulobng Digong Duterte.

Nakababahala ang ganitong mga insidente. Parang wala nang tigil ang patayan sa ating bansa.

Kapag nanood at nakinig ka nga ng news sa TV at radio, ang mga balita ganoon pa rin. Walang ipinagbago. Holdapan, patayan at ilegal na droga.

READ MORE:  Ex-Thai PM Yingluck Shinawatra sentensiyado sa rice subsidy scheme

Parang lalong lumalakas pa ang loob ng mga kriminal kahit puro katapangan ang ipinakikita ni Tatay Digong.

Bakit po kaya?

Naumay ba sa katapangan ni Digong ang mga mamamayan o ayaw nang bumilib sa tapang niyang maingay?!

Nagtatanong lang po tayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved