Saturday , August 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maine, gustong isama ni Coco sa MMFF entry nila ni Vic
Maine, gustong isama ni Coco sa MMFF entry nila ni Vic

Maine, gustong isama ni Coco sa MMFF entry nila ni Vic

HINDI pa kompleto ang cast ng pelikulang Popoy en Jack, the Puliscredibles, isa sa official entries sa darating na Metro Manila Film Festival 2018, na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Coco Martin.

Si Coco ang isa sa producers ng pelikula. Ikinukonsider niya na mapasama rito si Maine Mendoza. gusto niya kasing makatrabaho ang ka-loveteam ni Alden Richards.

READ MORE:  Mylene, mala-Gigi Reyes kaya ang role sa Ikaw Lamang?

“Honestly, I would love to do a movie with her. Pero hindi pa maayos ang schedule,”sabi ni Coco.

Kung sakaling mapapasama sa Popoy en Jack, siguradong malaking tulong si Maine sa paghatak ng manonood. Sikat kasi ang dalaga, marami itong fans, ‘di ba?

READ MORE:  Solenn, mala-Annie ng Shaider ang role sa Da Possessed

‘Yung movie kaya ni Vice Ganda na Fantastica: The Princess, the Prince and the Perya na kasali rin sa MMFF 2018, sino pa kayang big stars ang makakasama rito?

Si Vice lang kasi ang big star sa kanyang pelikula. Pero kung sakaling, wala nang ibang big star na ilalagay sa pelikula,sa tingin namin, magiging blockbuster pa rin ito. Grabe naman kasi ang dami ng mga tagahanga ni Vice, na lahat ng pelikulang ginagawa niya ay tinatanggkilik ng mga ito. Wala pa siyang pelikula na nag-flop sa takilya, sa totoo lang.

READ MORE:  Korina, pinagbakasyon daw ng 2 weeks, ‘di sinuspinde

MA at PA
ni Rommel Placente

COMMENTS

About Rommel Placente

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved