Wednesday , August 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Liza Javier most awarded Internet Deejay Personality
Liza Javier most awarded Internet Deejay Personality

Liza Javier most awarded Internet Deejay Personality

MALAPIT nang bumalik ng Amerika ang most awarded Internet Lady Personality na isa ring mahu­say na musician na si Liza Javier. Nang maka-chat namin ang friend­ship naming ma­ba­it na Diva (Liza) ay kaya mapa­paaga ang pag­dating niya ng States kasi kasa­ma nang pagtang­gap niya ng pa­nibagong award para sa 17th Annual Gawad Amerika Awards ay marami siyang pagkakaabalan rito isa na ang pagra-radyo sa kanyang show at ang pagbisita sa ilan niyang friends na matagal ng mga naninirahan rito at may mga interview at guesting rin si Liza. Huwag din isnabin ang pagiging ilang beses na awardee ng popular DJ-Singer sa Gawad Amerika at this year ay gagawaran siya ng “Mrs Gawad Amerika,” at ang co-awardees niya sa nasabing prestigious award giving bodies ay mga bigatin rin na mula sa showbiz, politics, business world, beauty queen, entertainer, zumba, ballroom at field of television. Ilan sa mga makasabasay ni Liza na tatanggap ng award ang politics couple na sina Mayor Arthur at Congresswoman Florida Robes na parehong malapit sa kanya, also Ms. Jaclyn Jose, Sta. Rosa Mayor Dan Fernandez. Taong 2002 pala nag-umpisa pamimigay ng parangal ang Gawad Amerika Awards at ang founder nito ay si Mr. Charles Simbulan. “I’d like to thank the people behind Gawad Amerika, especially Sir Charles at every year ay may award ako sa kanila. I consider my awards as big achievements of my career as radio personality and musician. At sa iba pang award giving bodies na napipili akong parangalan love you all and from the bottom of my heart, lahat ng ito ay ite-treasure ko,” sey pa ni Liza na over­whelmed sa natatanggap niyang blessings. Sa August 18, gaganapin ang awards night sa The Center 1145 Burbank Blvd, N Hollywood, CA

READ MORE:  Sam Milby at MJ Lastimosa may relasyon? Aktor hinahangaan sa Doble Kara
READ MORE:  Pacman, ‘di feelingero para maging susunod na Pangulo

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

COMMENTS

About Peter Ledesma

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved