Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Duterte ‘di kapit-tuko sa Palasyo
Duterte ‘di kapit-tuko sa Palasyo

Duterte ‘di kapit-tuko sa Palasyo

WALANG ambisyon si Pangulong Rodrigo Du­terte na mangunyapit sa Palasyo at kumpasan ang kanyang mga al­yado sa Kongreso na magsulong ng batas para mapalawig ang kanyang termino.

Ito ang inihayag kahapon ni Special As­sistant to the President SAP Christopher ¨Bong¨ Go sa paggunita sa ika­lawang anibersaryo ng administrasyong Du­terte.

READ MORE:  Sole probe vs Ma’am Arlene mas gusto ng SC (Walang tiwala sa NBI)

¨We don’t have ambitions of clinging to power, neither will we push for laws that would result to such,” aniya.

Ani Go, isang malinis na gobyerno ang sa tuwina’y nais ng Pangulo at napatunayan niya ito sa ilang beses na pagsibak sa mga opisyal na malapit sa kanya.

READ MORE:  Hamon ni Binay: Mocha blogger ba o gov’t official?

“The president will always want a clean and graft-free government and he has proven this many times by firing officials he appointed,” sabi ni Go.

Marami aniyang pro­yektong pang-impra­es­truk­tura at programang pangkabuhayan, mga batas na nilagdaan at ipinatupad sa loob ng dalawang taon ng admi­nistrasyon.

Dagdag niya, libre ang edukasyon mula kinder hanggang kole­hiyo at may mga dagdag na programang pangka­lusugan ang tinatamasa ng mahihirap mula nang maluklok sa Malacañang si Pangulong Duterte.

READ MORE:  Tirador ng Bombay utas sa pulis

“This is a testament of what President Duterte clearly wants for the country and for the Filipinos,” giit ni Go.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved