Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sino-sino ang tatanghaling ‘best of the best’?: 2nd EDDYS choice kasado na, 14 tropeo paglalabanan
Sino-sino ang tatanghaling ‘best of the best’?: 2nd EDDYS choice kasado na, 14 tropeo paglalabanan

Sino-sino ang tatanghaling ‘best of the best’?: 2nd EDDYS choice kasado na, 14 tropeo paglalabanan

TULOY NA TULOY na ang 2nd EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa * July 9, * Lunes, 7:00 p.m., sa The Theater at Solaire.

Magsisilbing hosts sa maningning ng gabi ang magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez habang nakatoka naman bilang anchors sa sosyaling red carpet sina Rhian Ramos at Tim Yap.

Ngayong taon, nakipagsanib-puwersa ang SPEEd sa Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pangunguna ni Chairperson Liza Dino-Seguerra, at Globe Studios bilang major presenter.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa na pinamumunuan ni Ms. Ian Farinas, ng People’s Tonight, bilang pangulo.

READ MORE:  Dapat tanggapin na!

Ilan sa mga magpe-perform sa gabi ng parangal ay ang mga kilalang rappers na sina Abra at Loonie, Morissette AmonBituin Escalante, Wishful 5, at Noel Cabangon.

Ang limang nominado bilang pinakamagaling na pelikulang Filipino ay ang Birdshot (TBA Studios/Pelikula Red); Deadma Walking (T-Rex Entertainment, Octo Arts Films); Respeto (Cinemalaya Foundation, ArkeoFilms, Dogzilla); Smaller And Smaller Circles (TBA Studios); at Unexpectedly Yours (Star Cinema).

READ MORE:  Pagpunta ni Alden sa burol ng isang fan, pinuri

Nominado naman sa pagka-best actress sina Joanna Ampil (Ang Larawan); Mary Joy Apostol (Birdshot);Sharon Cuneta (Unexpectedly Yours); Bela Padilla (100 Tula Para Kay Estella); at Alessandra de Rossi (Kita Kita).

Paglalabanan nina Abra (Respeto); Joshua Garcia (Love You To The Stars And Back); Edgar Allan Guzman(Deadma Walking); Aga Muhlach (Seven Sundays); at Ronaldo Valdez (Seven Sundays) ang best actor trophy.

Tatanggap naman ng special awards sina Mario HernandoJoe Quirino Award (posthumous); Ricky Lo,Manny Pichel Award; at Viva Films producer Vic del Rosario, Producer of the Year Award.

READ MORE:  Rita, 50 na pero parang tin-edyer pa rin

Bukod dito, magbibigay din ang SPEEd ng EDDYS Rising Producers Circle Award kina Roselle Monteverde ng Regal Entertainment at Veronique del RosarioCorpus ng Viva Films.

EDDYS Icon awardees naman sina Eddie Garcia, Gloria RomeroSusan Roces, Nora Aunor, Charo Santos-Concio, at Maricel Soriano.

Pagkatapos ng awards rites, magkakaroon ng bonggang after party, ang The EDDYS Mega Party, sa pangunguna ng OneMega Group.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved