Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ara, ‘di kaseryo-seryoso — Rina Navarro
Ara, ‘di kaseryo-seryoso — Rina Navarro

Ara, ‘di kaseryo-seryoso — Rina Navarro

NA-AMBUSH interview namin si Rina Navarro, ang inagawan ng fiancé ni Ara Mina sa presscon ng MMDA para sa announcement ng unang apat na official Metro Manila Film Festival entries.

Ayaw man ni Rina na magpa-interview ay napilit din namin siya at sinabing hindi niya sasagutin ang tanong na hindi niya feel sagutin o hindi maaaring pag-usapan.

Unang tanong ni katotong Rommel Gonzales ay kung totoong hindi na tuloy ang kasal?

Yes of course!” Ang mataas na energy na sagot niya na sinundan ng, “Yes! Sobra,” nang matanong kung masaya siya?

The first month was a para akong namamatay everyday. Siyempre masakit ‘yun. The thing is when you wake up na magising ka sa katotohanan at malaman mo ‘yung mga ganoong bagay, magpapasalamat ka sa Diyos kasi it’s more on ‘thank you God that you save me from something…kumbaga mas mahirap pa ‘yung pagdaraanan ko eh. Kasi kung hindi ko siya nalaman, tuloy-tuloy sila,” paliwanag pa ni Rina nang tanungin kung bakit masaya siya sa kabila ng nangyari sa kanila ng BF na si Dave Almarinez, Undersecretary ng Department of Trade and Industry.

Kuwento ni Rina, humingi ng tawad ang naturang fiance niya. “Yes, I believe his apology was sincere.”

“But we are not friends,” giit ni Navarro.

READ MORE:  Glory days ni Jay Sonza, hindi na maibalik (Karapatan ng mga bata, dapat alam)

Aminado naman si Navarro na hind naging madali na patawarin ang fiance niya at hindi ituloy ang kasal.

Hindi madali pareho. Hindi ko itinuloy ang kasal… well, hindi ko alam ang sinasabi ng iba, but I believe that this happen when we we’re so happy. So I don’t want to be with somebody who can cheat on me while we are happy,” sambit pa ni Navarro.

Dagdag pa ng political strategist ni Francis Tolentino, “He will always be the father of my son,” nang tanungin kung may second chance pa o pagkakataong matuloy pa ang kanilang kasal.

Ukol naman sa kung humingi ng tawad si Ara, “well, close door she admitted (pakikipagrelasyon sa kanyang BF), she said, ‘sorry na nalaman mo, I was gonna reveal.’ Wrong timing lang.”

May nagtanong na kung magkasama ba si Ara at dating BF ngayon. “Of course they are not together. I don’t think pipiliin n’ya ‘yun over me. Somebody else na lang.”

Mensahe ni Navarro kay Ara, “I hope masaya ka sa nagawa mo. I’m sorry that this is coming out.

“But the truth is outthere. If you’re denying it, so be it.

“I don’t want to judge you but you know the truth!”

Sabi mo inamin naman ni Ara? ”Sa akin (close door).”

Nang kumustahin namin ang anak niya, “okey naman ang anak ko. Actually she (Ara) said, ‘kawawa ka naman may siz month old baby kayo.”

Actually, ani Rina, iimbitahan pa sana niya si Ara sa binyag ng kanyang anak, subalit nangyari nga ang ganito.

READ MORE:  Alex, ‘di pa hinog for a major concert

Ukol naman sa kung naramdaman ba niyang kawawa siya, sagot ni Rina, “now? Actually I’m not kawawa. I don’t want people to see me as kawawa. I want women to see me as, well, strong. I’m only human, siyempre lalaban ka rin. And I think laban means hindi mo naman kailangan siraan ‘yung kalaban mo. You just have to know when to leave.

“I gather the strength to leave,” dagdag pa ni Rina.

Muli naming tinanong si Rina kung nag-sorry ba sa kanya si Ara? At nilinaw niyang hindi nag-sorry sa kanya ang aktres.

Hindi siya nag-sorry,” sambit ni Rina. “Nag-sorry siya na nalaman ko.”

Muling natanong si Rina kung ano ang naging reaksiyon niya nang mag-sorry si Ara na nalaman niya ang pakikipagrelasyon nito sa kanyang fiance, ito ang isinagot niya, “ay kaya kong ireni-act. I treated you as a friend, you we’re like a sister to me. You knew that I have a family and mali ‘yung ginawa mo sa akin.

“How did you do that to me?!”

At ang sagot ni Ara, “I’m sorry na nalaman mo. Pero sasabihin ko naman.

READ MORE:  Dating sikat na actor na-chorva sa kisame ng matabang tv host

Ang reaksiyon dito ni Rina, “para akong mamamatay. Kasi kung sinaktan ko siya at nag-react ako ng hindi maganda ayokong lumabas ng ganoon kasi may pinag-aralan akong tao.

“In fact, ‘pag nadidikit ang pangalan ko sa pangalan niya, I’m not comfortable with that.

“Because I’m not like her.”

Nasabi namin na tatakbo si Ara next year, “if your running for public office, goodluck sana manalo ka. And sana magbago ka na.”

Nakilala ni Rina si Ara nang i-recruit niya ito para sa isang women’s organization, “it’s an organization helping women. But the thing is I’m the first victim,” kuwento pa ni Rina.

Matapang na pahabol pa ni Rina, “I don’t think may ex-fiance would really take her seriously.”

 SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio  

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved