Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Teo kinuwestiyon ng COA sa P2.2-M kinuhang tinda sa Duty Free
Teo kinuwestiyon ng COA sa P2.2-M kinuhang tinda sa Duty Free

Teo kinuwestiyon ng COA sa P2.2-M kinuhang tinda sa Duty Free

INUSISA ng Com­mission on Audit (CoA) ang dating Kalihim ng turismo na si Wanda Teo kaugnay sa pagkuha niya ng mga paninda sa Duty Free Philippines na nagka­kahalaga ng US$43,­091.13 o P2,174,­150.

Kabilang umano sa mga kinuha ni Teo ay mga branded bags, cosmetics, mga de-lata at tsokolate. Hindi umano ito nasingil kay Teo batay sa 2017 CoA audit report para sa Duty Free Philippines Corporation (DFPC).

READ MORE: 

Inilinaw ng COA na ang mga paninda ay kinuha ni Teo sa pama­magitan ng memorandum na inilabas ng kanyang opisina at ng opisina ni  dating Undersecretary at for Administration and Special Concerns Rolando Cañizal.

READ MORE:  7 minero patay sa tunnel

Sinabi ng CoA report na ang dalawang opisyal ay nag-utos sa DFPC na maglabas ng  “gate pass slips” para mailabas ang mga paninda.

Sinabi rin ng COA na sa kabuuang P2.5 milyon, P346,000 halaga ng ”merchandise” ay hindi naka- record sa “Duty Free book of accounts.”

READ MORE:  ‘Dumukot’ kay Jonas sumuko, nagpiyansa

Ang DFPC ay isang ahensiya sa ilalim ng DOT.

Si Teo ay nag-resign pagkatapos paim­bestiga­han ng Ombuds­man kaugnay sa P60-milyong advertisements na ibina­yad ng DOT sa isang television program ng kapatid niyang si Ben Tulfo sa PTV4.

ni Gerry Baldo

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved