Thursday , May 23 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sarah at Yeng, isusulat ng kanta ng dating Boyfriends member
Sarah at Yeng, isusulat ng kanta ng dating Boyfriends member

Sarah at Yeng, isusulat ng kanta ng dating Boyfriends member

ANG mga singer na sina Sarah Geronimo, Morisette Amon, at Yeng Constantino ang mga millennial singer na gustong bigyan ng kanta ng isa sa naging miyembro ng sikat na banda noong dekada 70 at 80, at maituturing na counterpart ng BeeGees ang, Boyfriends, si Nitoy Malilin.

Ayon kay Nitoy sa naganap na contract signing bilang pinakabagong dagdag sa ambassadors ng Gamboa Coffee, pag-aari ng Erase Placenta CEO/President Louie Gamboa, “Sila kasi ngayon ang masasabi kong malaki ang hatak sa mga millennial, kaya naman maipakikilala nila sa mga ito ang awitin ko.”

Thankful nga si Nitoy na maging part ng ng Erase family na ayon kay Mr. Louie, marami silang plano para sa kanilang bagong ambassador katulad ng series of concerts, mall shows, at naglalakihang billboard para suportahan ang pagbabalik nito sa recording scene.

Laman ng CD ni Nitoy ang mga awiting Ako Na Lang, Happy Happy Happy, Ngumingiti-Ngiti, at ang bonus track na BF medley na ang carrier single nito ay ang awiting Ms B (Balingkinitan).

 MATABIL
ni John Fontanilla 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top