Wednesday , August 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lance Raymundo at Jana Victoria, nagkakamabutihan?
Lance Raymundo at Jana Victoria, nagkakamabutihan?

Lance Raymundo at Jana Victoria, nagkakamabutihan?

NAG-CELEBRATE recently ng kanyang birthday si Lance Raymundo. Kabilang sa ilang panauhin ang mga taga-Viva Artist Agency na sina Jana Victoria, singers Hazel Faith, Caleb Santos, ang beauty queen na si Vanessa Wright, Ejercito brothers na sina Jericho & Eric, Marco Hiller­stam, Brendan Banares, Tim McCardle, Chad Alviar, young actresses Brigitte McBride, Zarah Tolentino, Liz Gonzaga, Via Carrillo, at Baby Liong.

Sa Sports, Fitness, Beauty & Wellness world naman ay nandoon ang celebrity make-up artist na si Regina Ray­mundo, Andrew Co of Agico Vegan Cafe, celebrity fitness trainers Zyd Abila & GF Zaneta, Yoga instructor Bot de Leon, Doctor Sharae Lim & basketball player Al Magpayo. At sa business world ay sina Justine Magpayo (Del Monte), Gab Garcia (Philam Life), Philmon Yao (Vans), Mav Zamora (Harley Davidson), Jiz Lim, Rye Uy, Paul Sison, Gen Riobuya, at Mico Lugay.

READ MORE:  Kris, ‘inilaglag’ ni Bimby; Pagkataklesa ng ina, tinalo

Inusisa namin si Lance kung ano ang birthday wish niya?

Wika ng singer/actor, “Career wise… my wish is for my new single You Are The One or #YOTA (for short) to be a big hit!”

Kailan ang release ng single mong ito? “Baka by July ang release ng song, then August ‘yung video. Kasi sa July 21 and 22 pa ‘yung shooting ng video,” saad ni Lance.

READ MORE:  Arnold Reyes, nagpasasa sa alindog ni Michelle Madrigal

Totoo ba na si Jana Victoria ang special guest mo noong birthday mo? “Yes… Jana is my very special guest!” Pakli ni Lance.

Paano kung magkatsismis na nagkakamabutihan or kayo na ni Jana, ano ang magiging reaction mo?

“Okay lang naman kung matsismis kami ni Jana, kasi, enjoy naman kami with each other’s company, e” tugon ni Lance.

READ MORE:  Ate Vi, sobrang kinikilala at Inirerespeto ngayon

Bukod sa Brigada Eskwela na tumatayo si Lance na isa sa ambassador ng DepEd at sa single niyang ito para sa Viva na siya mismo ang nag-com­pose, pinaghahandaan din niya ang bago niyang play titled Veronidia na pamama­halaan ng batikang actor/director na si Lou Veloso at gaganapin sa bu­buksang Sta. Ana Center for Arts. Makakasama niya rito ang classical singer na si Rare Columna at ayon kay Lance, ito ang pinaka-challenging na role na gagampanan niya, so far.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

COMMENTS

About Nonie Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved