Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jolo, hindi susukuan si Jodi, mahal pa rin ang aktres
Jolo, hindi susukuan si Jodi, mahal pa rin ang aktres

Jolo, hindi susukuan si Jodi, mahal pa rin ang aktres

AMINADO si Jolo Revilla na nanibago siya sa muling pagsalang sa kamera para magbida sa isang tampok na istorya sa pelikulang Tres, handog ng Imus Productions gayundin sa FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Tampok sa action trilogy na Tres ang Revilla brothers. Si Jolo ang bida sa 72 Hours na pinamahalaan ni Dondon Santos. Si Luigi naman sa Amats ni Santos pa rin at si Bryan naman na ididirehe ni Richard Somes.

Huling napanood si Jolo sa pelikulang Si Enteng, Si Agimat at si Ako. “Matagal na ito, seven years ago, nag-guest lang ako rito,” sambit ng actor. Ang huling TV show naman niya ay ang My Little Champ noong 2013.

Gagampanan ni Jolo ang isang PDEA agent sa 72 Hours.

Anang aktor, “Iba-iba ‘yung texture, quality at iba-iba ang director.

“’Yung istorya niyong sa akin malaki ang pagkakaiba sa mga kapatid ko. Dapat abangan ito.

READ MORE:  Fans ng AlDub, handang gumastos ng libo makita lamang sila nang personal

“Kasama ko si Rhian Ramos, siya ang leading lady ko. Kasama ko rin sina Dominic Roque, Albert Martinez, Phillip Salvador, Tirso Cruz III, Benj Manalo, at marami pang iba.”

Sambit pa ni Jolo, isang action movie ang 72 Hours, “Hindi napigil ng matinding ulan ang shooting namin. ’Yung car chased namin dito dapat abangan dahil grabe talaga na halos muntik kaming maaksidente rito. Mapapanood nila rito ang hindi nila nakikita sa telebisyon.”

Samantala, natanong naman si Jolo ukol sa lagay ng kanyang puso ngayon. Matatandaang nabalita ang paghihiwalay nila ni Jodi Sta. Maria na walong taon niyang girlfriend. Wala pang pag-amin ang actor ukol dito.

“Talagang tinatanong ninyo ako tungkol diyan. All I can say is that…” na biglang natahimik ang actor at biniro ni katotong RK Villacorta na bumuntong hininga ang actor at nag-isip ng isasagot.

READ MORE:  Sylvia Sanchez, bilib sa galing ng BeauteDerm soap

“Sabi ko, kumbaga inilabas niya ‘yung best sa akin, wala akong masasabi tungkol sa kanya, she is a very responsible person, mahal ko ‘yun,” ani Jolo na bagamat ngumingiti ay nangingilid naman ang luha.

“’Yun na lang, mahal ko ‘yun,” muling giit ng actor.

Tinanong namin si Jolo ukol naman sa Instagram post ni Jodi kahapon ng umaga, ang “Good morning! If you are reading this, just know you are going to make it. God is arranging things in your favor right now. Let me remind you that He is never blind to your tears, never deaf to your prayers, & never silent to your pain. He sees, hears and will deliver. Don’t lose hope! d’þ<Øß”

Sabi namin, kung para ba sa kanya ang post na ito at sinabi niyang hindi naman siguro, pero ni-like niya.

READ MORE:  Unprofessionalism ng JaDine, dinepensahan ni Direk Dan

“Pinagpapawisan tuloy ako sa inyo,” giit ni Jolo.

At nang matanong ang actor ukol sa isang post nito ukol sa moving on, sinabi niyang, “Moving on?!” balik-tanong nito. “Let’s keep one step at a time, I’ll be focus on myself first.”

Sinundan naman ito ng tanong na kung nagdurugo pa ang puso niya hanggang ngayon? “Ha ha ha,” muna ang naisagot na halata ang  biglang pagkalungkot, at saka sinabing,”Basta naniniwala ako na si Lord ang bahala kung saan man kami (Jodi) humantong.” 

Inihabol pa ni Jolo na, “May sumusuko na ba?” Na ang ibig sabihin, hindi siya nawawalan ng pag-asa at posibleng maayos pa ang walong taong relasyon nila ni Jodi.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved