Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sama ng loob ng Simbahan ‘di maaawat ng ‘committee’ ni Duterte
Sama ng loob ng Simbahan ‘di maaawat ng ‘committee’ ni Duterte

Sama ng loob ng Simbahan ‘di maaawat ng ‘committee’ ni Duterte

HINDI kayang awatin ng ‘committee’ ni Pa­ngulong Rodrigo “Di­gong” Duterte.

Sa tingin ng mga kongresista sa Kamara walang patutunguhan ang committee na binuo ni Digong para awatin ang sama ng loob ng simbahan dahil sa sinabi niyang  ‘stupid’ ang panginoon.

Ayon kay Rep. Teddy Baguilat ng Ifu­gao, ‘smokescreen’ lang daw ito para mailito ang publiko sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang kapal­pakan ng operasyon laban sa tambay at ang patuloy na patayan.

READ MORE:  Judy sagot ni Digong (Kaya mabilis umaksiyon pabor sa Marawi)

“Sa tingin ko, wa­lang patutunguhan ang com­mittee kasi masya­dong fundamental ang pagka­kaiba ng panini­wala,” ani Baguilat.

“Ano ang pag-uu­sapan nila ng religious leaders? Adam and Eve and paradise?” tanong ni Baguilat.

Sangayon si Magdalo Rep. Gary Alejano sa pagtingin ni Baguilat.

Puwede umanong mag-apologize deretso si Pang Duterte sa publiko dahil sa kanyang irespon­sable at “balsphemous remarks.”

READ MORE:  PNoy ‘bukas’ sa pagbabalik ng peacetalk sa CPP-NPA (Matapos upakan)

Natakot aniya si Duterte sa 90 porsiyento ng mga Filipino na nani­niwala sa Diyos.

Sa panig ng adminis­trasyon, sinabi ni Ako Bi­col Rep. Rodel Batocabe na ito ay isang “positive step” para maiwasan ang hindi pagkaka­una­waan ng gobyerno at ng simbahan.

Naniniwala si Bato­ca­be na ang mga gusot sa kasaysayan ng mun­do ay may kaugnayan sa relihiyon.

READ MORE:  Tacloban airport sinugod ng survivors

Sa mga militanteng kongresista, kasama si ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, ma­linaw na damage control ito dahil lumalaganap ang outrage or galit ng publiko sa pambabastos sa Diyos na pinani­niwalaan ng maraming kababayan natin.

“Magdududa rin tayo sa sinseridad niyan dahil tuloy pa rin ang pagbira,” ani Tinio.

ni Gerry Baldo

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved