Friday , April 19 2024

Ara Mina at Janus del Prado, nagkaroon ng relasyon

HINDI masasabing pagda-drama ang patuloy na kumakalat na kuwento sa buhay-pag-ibig ng minsan naming nakilala as co-producer ng isang pelikula ni Robin Padilla, si Rina Navarro.

At involved umano sa scenario, si Ara Mina.

Natulikap namin sa Facebook account ni Rina ang isang mensahe na lumabas na rin naman dito sa aming pahayagan.

To be betrayed by the person you love, and by a person you consider your friend & treated like a sister is one of the most heart breaking feeling to wake up to, everyday. I cant even find the most appropriate word to describe it…”

At kung kailan naman may ganito, may nakisabay naman na text messages sa akin na involved din si Ara.

Linking to my brother Janus (del Prado)?

Anak ng Teteng naman, eh. Nabalitaan ko na ito before. Hindi ako sinagot ni Janus when I asked him about it. Sige, respeto.

Pero may nag-text nga sa akin. Kasi naaawa raw siya kay Janus. BAKIT?

Gusto ko sanag matawa sa isang linya. “Ginawa niya pong factory ng cheesecake ang kapatid mo. Dahil recipe ni Janus ang cheesecake na ‘yun noong sila pa.

Naawa lang po ako sa kapatid niyo. Mabait po kasi kaya may pagka-grabe nga lang ma-inlove kaya naaabuso. Kamustahin niyo lang po kasi balita ko po sa common friend namin eh nag-a-anti depresant na raw po siya just to cope sa lahat ng mga pangyayari. Loner po kasi ‘yan baka mapano.”

It was a concerned friend who sent me this message.

Ano ito, under my very nose, ‘di ko na naman nalaman?

Ang taong kung ipaglaban ko sa mga laban niya eh, halos ipagpatayan ko Leo B. ‘di ba? Pati pala kapatid ko, nakanti? Well, matatanda na sila. Kung nagka-inlaban  okay lang. Basta ‘di naggamitan. Lalo sa kapatid kong matinong tao.

Eh, mananawagan na ako sa Star Magic sa kasong ito.

Janus is old enough para sa mga desisyon niya sa buhay.

Masa-shock pa ba ako, Lyka B., Boss Maricris and Jerry? And yes, Rina N.!

Ayaw ko kasi basta naniniwala, eh. Pinaniniwalaan ko kasi ang loyalty noon, eh.

Kung totoo ito, ang kapal!

At bago ito ay mayroong ganito.

HARD TALK!
Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *