Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Pulis sa Samar napagkamalang NPA: Sundalo absuwelto kay Duterte
Pulis sa Samar napagkamalang NPA: Sundalo absuwelto kay Duterte

Pulis sa Samar napagkamalang NPA: Sundalo absuwelto kay Duterte

ISASAMA ni Pangulong Ro­drigo Duterte ang mga sundalong sangkot sa mis­encounter kama­kalawa, sa burol ng  napatay na mga pulis sa Sta. Rita, Samar.

Sa kanyang talumpati kaha­pon sa Zamboanga, inihayag ng Pangulo na hindi sinasadya ang insidente at walang may kagustuhan na mangyari.

READ MORE:  Con-ass lusot sa Kamara

“Kita mo ‘yung kahapon, ‘yung misencounter, nobody wants it. Actually what happens there is the Murphy’s Law, if anything can go wrong, it will go wrong just like the misencounter,” aniya.

Kakausapin ng Pangulo ang mga sundalong sangkot sa misencounter para sumama sa kanyang pagbisita sa mga napatay at nasugatang mga pulis upang maipakita ang “cama­rederie.”

READ MORE:  2 holdaper todas sa shootout sa Tondo

Napaslang sa mis­encoun­ter ang anim na pulis nang tamba­ngan ng mga miyembro ng 87th Infantry Battalion ang 1st Platoon, 805th Company, Re­gional Mobile Force Bat­talion 8, dakong 9:20 ng umaga sa Sitio Lonoy, Brgy. San Roque, Sta. Rita, Samar kama­kalawa.

READ MORE:  Sabi ni Duterte: Driver-lover ‘ikakanta’ si De Lima

Napaghinalaan umano ng mga sundalo na mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang mga pulis kaya pinaputukan.

(ROSE NOVENARIO)

COMMENTS

About Rose Novenario

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved