Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mariel, nag-break-down sa feeling na inabandona ang anak
Mariel, nag-break-down sa feeling na inabandona ang anak

Mariel, nag-break-down sa feeling na inabandona ang anak

HINDI napigilan ni Mariel Rodriguez-Padilla na hindi umiyak kahapon sa Magandang Buhay guesting nang ipapanood sa kanya ang video na kumakatok ang anak nila ni Robin Padilla na si Isabella sa kuwarto niya.

Kaya pala sa isang event ay nagsabi si Robin na kapag nagtuloy-tuloy ang hosting job ni Mariel ay gusto muna niyang magpahinga dahil walang makakasama si Isabella sa bahay nila. Hindi naman laging dapat yaya ang kasama ng bagets.

Going back to Mariel ay ang ganda pa ng ngiti niya habang hinihintay  ang video na sinasabi ng isa sa host na si Melai Cantiveros.

At nang mapanood na, ”this was sent to me noong ano (unang araw sa ‘Showtime’), naku naiiyak tuloy ako. Kasi what happened siyempre first day, kasama ko si Isabella together-forever kami since nasa tiyan ko siya (gumaralgal na ang boses).

“Kasi kapag umaga nagigising kami tapos pinapalitan ko siya ng diaper, binibigyan ko siya ng milk, nire-ready ko siya tapos natutulog ako ulit, so, ang alam niya nasa room ako.

“So, noong day na umalis ako for work, nagpadala ng video ang yaya sa akin na kumakatok si Isabella sa door ng bedroom kasi akala niya natutulog lang ako, oh my gosh ang hirap,” tuluyan nang umiyak ang TV host at panay ang pahid ng luha na nagbiro pang, ”sayang ang shimmering (high lighter make-up).”

Sabi pa ni Mariel, ”Iniyakan ko ‘yon. Para akong sira-ulo sa hallway ng ABS-CBN. Nagbi-breakdown ako roon. Umiiyak ako talaga. Kasi siyempre wala siyang kaalam-alam, hindi niya alam na ‘yung mommy niya ay umalis parang iniwan siya, akala inabandonada ‘di ba?

“Tapos noong napanood ko ‘yung video na ‘yun, siyempre ang dami kong feelings so nagpaalam ako kung puwede three times a week na lang ako mag-‘Showtime’ after the video, kasi para talagang nadurog ‘yung puso ko.

“The good thing was the business unit head of ‘Showtime,’ si Ms Merce (Gonzales), matagal ko na siyang kilala, matagal ko na siyang kasama (‘PBB’ days pa) at kilalang-kilala na niya how to handle kasi nanay din siya at alam niya ‘yung nararamdaman ng isang nanay.

“Kaya sabi niya, ‘o gusto mo ba just for today umuwi ka ng maaga pero papasok ka bukas.’ Sabi, ‘hindi Ms Merce tapusin ko today,’ pag-uwi ko naman ng bahay nakita ko na okay si Isabella. Together-forever na ulit kami. Tapos napaliguan ko siya, napatulog ko siya. ‘Yung nakapag-bonding kami ulit. Okay naman pala, kaya naman pala. Kaya tinext ko si Ms Merce na sabi ko, ‘thank you, I’ll see you tomorrow, mahirap talaga,” kuwento ng maybahay ni Binoe.

READ MORE:  GMA executives, super disappointed sa show ni Marian (Dahil sa sobrang baba ng ratings at ‘di pinapasok ng commercial)
READ MORE:  Kakayahang makapag-perform ni Alex sa Araneta, kinukuwestiyon ni Vice?

Nabanggit pa na lahat naman ng ginagawa ni Mariel ay para rin sa future ng anak nila ni Robin.

READ MORE:  JaDine, mas pinaboran sa PASADO kaysa AlDub

At mukhang hindi maaga ang call time ng aktor sa Sana Dalawa Ang Puso dahil inabutan sila ni Mariel na magkasama silang mag-ama na nagdo-drawing gamit ang water color.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved