Thursday , April 18 2024

James at Michela, magpapakasal na

INIHAHANDA na raw ang isang kuwarto na siyang magiging nursery ng bagong anak nina James Yap at ng kanyang magandang live in partner na si Michela Cazzola na nakatakda nang manganak any day now ng kanilang second baby.

Halata mong excited sila sa kanilang second baby, at maski ang kanilang anak na si MJ ay gustong-gusto na ring makita ang kanyang bagong kapatid.

Iyan ang magandang nangyayari sa buhay ni James, kaya nga kahit na anong parinig pa ang gawin sa kanya hindi na lang niya pinapansin. Bakit pa nga ba niya papansinin iyon eh talaga namang happy na siya sa kanyang buhay ngayon. Magiging dalawa na ang kanyang anak. Talaga namang maganda ang kanyang live in partner kahit na hindi kulapulan ng make up. May plano na rin silang pakasal dahil wala na namang makahahadlang gawin man nila iyon.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *