Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ellen, ‘di pa rin makasisipot sa mga paglilitis
Ellen, ‘di pa rin makasisipot sa mga paglilitis

Ellen, ‘di pa rin makasisipot sa mga paglilitis

TALAGANG desmayado raw si Mrs. Myra Abo Santos, ina ng teenager na nagdemanda laban kay Ellen Adarna matapos na ang bata ay pagbintangan noong kumukuha ng video sa kanila ni John Lloyd Cruz sa isang ramen house sa Makati. Noong una ay tila hindi pinansin ni Ellen ang preliminary investigation. Noong ikalawang preliminary investigation, wala ulit si Ellen at ang sumipot ay si John Lloyd. Kamamatay lang kasi ng tatay ni Ellen at hindi siya makakasama. Tapos, sinabihan naman siya ng kanyang doctor na huwag munang bumiyahe sa Metro Manila dahil delikado ang kanyang pagbubuntis at makasasama iyon sa kanya.

READ MORE:  Bagong pag-ibig ni Zsa Zsa, suportado ng pamilya Quizon

Kung ang inaasahan nga nila ay makakaharap nila si Ellen sa pagdinig ng mga kasong iyan, baka nga ma-disappoint sila. Marami pang katuwirang maaaring ilabas eh. Sa susunod manganganak naman siya. Tapos kailangan niyang magpahinga pagkatapos manganak. Maaari ring sa susunod ay hindi naman niya maiiwan ang kanyang anak. Kaya humanda na sila na kung isang taon lang, baka makaiwas pa si Ellen na personal na humarap sa husgado.

READ MORE:  Kasalang Heart at Chiz, 100 % kasado na!

Basta naman kasi represented siya ng kanyang abogado, hindi mo siya mapipilit na humarap. Kung sakali man na isang kasong kriminal bumagsak ang kaso, maglagak lang sila ng piyansa ayos na iyon basta hindi magpapabaya sa hearing ang kanyang mga abogado.

READ MORE:  Greta, deadma sa mga bagong patutsada ni Claudine

Sa kaso naman ni Ellen, kung ayaw niya talagang humarap sa husgado, na hindi naman nangangahulugang tinatakasan niya ang kaso, puwede iyon. Hindi naman sa dini-discourage namin sila pero ang mga ganyang kaso, tumatagal talaga. Baka naman hanggang sa tumanda na ang anak ni Ellen hindi pa rin tapos iyan.

HATAWAN
ni Ed de Leon

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved