Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dingdong, pinagaganda ang imahe ni Marian
Dingdong, pinagaganda ang imahe ni Marian

Dingdong, pinagaganda ang imahe ni Marian

APRUBADO sa karamihan ang ginawa ni Dingdong Dantes na pagandahin ang imahe ng kanyang asawang si Marian Rivera na may pagkamaldita raw.

Marami ang natuwa dahil tamang panahon ito lalo pa at may planong pumasok sa politika ang actor.

Alam ni Dingdong ang pag-uugali ng asawa dahil nababasa naman ito sa dyario.

READ MORE:  Kathryn at Daniel, gaganap na batang Manang Fe at Mang Anastacio sa Be Careful With My Heart

Katunayan, may nakausap kami na natutuwa kung papasok sa politika si Dingdong dahil kinakikitaan niya ito ng pagiging magaling na public servant. ”Ang gusto ko kay Dong, mas gusto nitong magsimula sa mababang posisyon. Siguro, ayaw nitong matulad sa ibang politician na puno ng batikos dahil sa mga kapalpakang ginawa,” detalye ng aming kausap.

READ MORE:  Galing ni Shy sa Tasya Fantasya, pinuri

Samantala, malaking hamon sa aktor ang maidirehe ang asawa sa anniversary presentation ng Tadhana.

Sobrang gulat nito dahil taliwas sa maldita image ay isang propesyonal na aktres ang kanyang idinirehe.

“So ‘yung takot ko at pag-iwas na maidirehe siya ay naging magandang opportunity kasi I saw a different kind of an actress, a different kind of Marian. Kaya pala siya mahal na mahal ng kanyang naging mga direktor at pati na ng kanyang co-stars lalo ng kanyang producer ay dahil sa dedikasyon nito sa trabaho,” sambit ni Dong.

READ MORE:  Jodi, nangangarap na muling ikakasal

‘Yun na!

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved