Sunday , November 18 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Costume ni Alden, isang oras bago maisuot
Costume ni Alden, isang oras bago maisuot

Costume ni Alden, isang oras bago maisuot

ALAM naman ng karamihan na super fan ako ni Iron Man, so ‘yung mga secret dream ko before was really to play a superhero role,” pahayag ni Alden Richards sa interview sa kanya ng GMA-7’s 24 Oras noong June 22.

Ito ang dahilan kaya napaka-espesyal para sa aktor ang kasalukuyang ginagawang series, ang Victor Magtanggol. First time nitong ginawa ang mga stunt dito at malaki ang naitulong ng kanyang parkour training bilang paghahanda sa mga ganitong eksena.

READ MORE:  Isabel, bukod-tanging GF ni John na boto ang pamilya'

“Gusto ko kasi ito. Ganoon ako ka-in love sa project na ito. Sabi ko nga when I took this project, ibubuhos ko lahat kahit buwis-buhay ang ilang stunts. I see to it na majority of the scenes dito ako talaga ang gagawa, lahat ng stunts ako ang gagawa.”

Inamin ni Alden na hindi nahirapan ang gumawa ng costume ni Victor Magtanggol at hindi rin siya hirap habang suot ito dahil libre siyang kumilos kung anong gusto niyang gawin lalo na sa suntukan dahil magaan lamang iyon. Dumaan ito sa ilang pagbabago at very satisfied siya sa final design na talagang Pinoy-made.

READ MORE:  Matt, payag maging driver ni Marian, makatrabaho lang

Childhood dream ng aktor ang gumanap ng super hero kaya naman nakaranas siya ng sakit sa paglagay ng body cast. ”Isang oras kang babalutan ng material na parang tumitigas. Masakit, pero para talagang tailor-made ‘yung costume, kailangan ‘yun, eh.”

Dagdag pa, ”Everything is purong Pinoy. It’s all Filipino talent, Filipino effort, blood, sweat, tears, all in one project. So ito ‘yun.”

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

COMMENTS

About Alex Datu

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved