Saturday , August 18 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kung gusto ni Duterte: Alvarez masisibak
Kung gusto ni Duterte: Alvarez masisibak

Kung gusto ni Duterte: Alvarez masisibak

ANG kumukulong ba­lita sa pagpapatalsik kay House Speaker Pan­taleon Alvarez ay mag­dedepende kay Pangu­long Rodrigo “Digong” Duterte ayon sa isang mataas na Kongresista sa oposisyon.

Ayon kay Quezon City Rep. Bolet Banal, sa kabila ng pagkades­maya ng ibang kongre­sis­ta kay Alvarez, si Duterte pa rin ang may huling pasya sa isyu.

“Nothing will hap­pen without the pre­sident’s go signal,” ani Banal.

Para kay Ifugao Rep. Teddy Baguilat, muk­hang nagrerebelde na ang mga grupong may galit kay Alvarez.

READ MORE:  Korean Air flight nag-emergency landing sa NAIA

“Nagrerebelde na yata ang PDP LABAN Pimentel group. Coupled with the bloc of (Minority Leader) Danny Suarez who have been grumbling plus those who were punished in previous votes, medyo may pru­pong mayroong gripes,” paliwanag ni Baguilat.

Gayonman, sinabi ni Baguilat na ‘walang nu­mero’ ang mga grupo pa­ra paalisin si Alvarez.

“Yes walang numbers to oust,” ani Baguilat, ang lider ng Magnificent 7, isang paksiyon ng minorya sa Kamara.

READ MORE:  Tambay bawal sa Jones Bridge (Habang may Traslacion)

“Basta kami sa Mag 7 and even sa Liberal, mga curious but neutral on­lookers,” dagdag ni Ba­gui­lat.

Ang tsismis na kuma­kalat sa Kamara, ang na­sa likod daw ng pagpa­patalsik kay Alvarez ay sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at si Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr., na nakaaway ni Alvarez dahil sa babae.

Sa panig ng admi­nistrasyon, sinabi ni Parañaque Rep. Gus Tambunting, hindi mati­tinag ang pamumuno ni Alvarez.

READ MORE:  5 drug suspects itinumba

“The majority in the House of Representa­tives remains fully be­hind Speaker Alvarez. PDP Laban will conti­nue fighting for the Filipino people. There is no basis behind these rumors,” ani Tambun­ting.

Sinabi ng taga­pagsalita ni Duterte, ang pamumuno ng Kamara ay magdedepende sa mga myembro nito.

Si Pangulong Duter­te umano ay nakapag­tatrabaho kahit kanino.

(GERRY BALDO)

COMMENTS

About Gerry Baldo

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved