Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Abra, wish maging leading lady si Maja
Abra, wish maging leading lady si Maja

Abra, wish maging leading lady si Maja

DAHIL sa kaliwa’t kanang award na natanggap ng rapper na si Abra mula sa pelikulang Respeto, inaming sana tuloy-tuloy na ang pag-aartista niya at ang pangarap niya ay scientific o fantasy movie na alam niyang babagay sa kanya.

READ MORE:  Angel, ‘di lang yaman ang ibinigay sa Marawi, nag-donate rin ng dugo

“Pero bago po ako mag-movie, tapusin ko muna ang album ko, kasi rito ako naka-concentrate ngayon,” pahayag ni Abra nang makatsikahan siya sa nakaraang 41stGaward Urian.

Natanong din si Abra na kung sakaling pipili siya ng leading lady ay, ”si Maja (Salvador) po sana gusto kong makasama, sobrang taas ng energy niyon, masarap katrabaho,” saad ng aktor/rapper.

READ MORE:  Ai Ai, mas feel ang batang binatang lalaki (Ayaw niya raw kasing makasira ng pamilya)

Okay lang din ba kay Abra na may kissing scene sa pelikula, ”depende po kung sino, ha, ha.  Hindi ko alam.”

As of now ay gusto munang tapusin ni Abra ang album niya na marami na siyang utang pagdating sa musika dahil kinulang siya ng oras.

READ MORE:  Early Christmas gift sa akin ang award na ito— Andrea Brillantes

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved