Thursday , November 15 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Juday, balik sa paggawa ng teleserye
Juday, balik sa paggawa ng teleserye

Juday, balik sa paggawa ng teleserye

NAGSIMULA na kahapon si Judy Ann Santos ng taping ng pinakabago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang Starla. Ito bale ang kauna-unahang teleserye ng aktres pagkatapos ng mahigit limang taong hindi pag-arte sa telebisyon.

READ MORE:  Planong pagpapakasal with Alyssa

Kahapon, kasabay ng pag-aanunsiyo ng pagbabalik-teleserye ang pagpo-post ng kanyang sequence guide para sa unang araw ng taping.

Ipinakita rin ng batang Superstar ang bagong hitsura niya bilang si Teresa. “@officialjuday: Hey teresa! :&þ #starla haircut by “the” @jingmonis styled by @jeffreyaromin makeup by @randygabinmakeup.”

Ang Starla ay ididirehe ni Onet Diaz at magtatampok din kina Joem Bascon, Kathleen Hermosa, Anna Luna, Meryll Soriano, Gabe Mercado, Simon Ibarra, Bodjie Pascua, Joel Saracho, Janus del Prado, at Joel Torre.

READ MORE:  Cordero, lifetime advocacy ang tumulong sa kapwa-Pinoy
READ MORE:  Meg, lalaki ang hanap

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved