Sunday , August 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Daniel, nag-iisang Pinoy na pasok sa Final 5 ng 100 Ultimate Asian Heartthrob of 2018!
Daniel, nag-iisang Pinoy na pasok sa Final 5 ng 100 Ultimate Asian Heartthrob of 2018!

Daniel, nag-iisang Pinoy na pasok sa Final 5 ng 100 Ultimate Asian Heartthrob of 2018!

TANGING ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla ang pasok sa Final 5 ng 100 Ultimate Asian Heartthrobs of 2018.

Sa huling bilangan (sa pamamagitan ng boto sa mga social media accounts—Twitter, Instagram, at Facebook), humamig na si Kim Taehyung ng South Korea, ng 43.39% na boto, o may katumbas na 30,018 boto. Kalaban din ni Daniel sina Suradet Piniwat ng Thailand,  Timmy Xu ng China, at Mark Tuan ng Taiwan.

READ MORE:  Janice at John, nagka-ayos na!

Noong June 20 (12 noon) nagsimula ang botohan at nagtapos kahapon, June 25 (11:59 a.m.), at agad nga nilang inanunsiyo ang nanalo.

READ MORE:  Pagbabalik ni Aga sa showbiz, matatagalan pa; real estate business inaasikaso pa

Habang isinusulat ito, si Kim ang nangunguna sa botohan sa pakontes, pumangalawa si Piniwat na humamig ng 21.9% o may katumbas na boto na 15,148 boto. Pangatlo naman si  Tuan na may 16.42% o may katumbas na boto na 11,360 boto.

READ MORE:  Blogger na nagsulat ng tampo ni Heart sa GMA, dapat mag-review ng Journalism 101

Pang-apat naman si Xu na may 15.06% o 10, 415 votes habang Panglima ang pambato ng Pilipinas na si Daniel na may 3.23% o katumbas na boto na 2,236 votes.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved