Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bangis ni Kris, natikman ng basher: ‘Wag mo akong lektyuran!
Bangis ni Kris, natikman ng basher: ‘Wag mo akong lektyuran!

Bangis ni Kris, natikman ng basher: ‘Wag mo akong lektyuran!

TIYAK na hindi mapalalampas ni Kris Aquino ang sinumang nanlalait lalo sa kanyang mga anak. Kaya naman, kahapon, may sinagot muli ang Queen of All Media nang “pagsabihan” siya ng isang netizen ukol sa pagiging ina kina Joshua at Bimby.

Papatol at papatol si Kris at hindi uurong sa sinumang mang-api, umalipusta, o kumanti sa kanyang mga magulang at mga anak.

Sa bagong post ni Tetay sa kanyang Instagram account ng litrato at video nilang mag-iina, in-update niya ang kanyang followers ukol sa health condition ni Joshua. Aniya, “Since 4 AM Friday when i found a lot of bloody baby wipes in the trash next to our toilet i have barely slept because i’ve been extremely worried about kuya josh’s gastro intestinal issues (i believe my fear is justifiable because both my Lola Ma & my Mom didn’t survive colon cancer).”

Marami ang nagpahayag ng panalangin para kay Joshua at humanga sa katatagan ni Kris sa pagiging single mom.

READ MORE:  Marichu Maceda, pinarangalan ng FDCP sa Pagdiriwang ng mga Ina ng Philippine Cinema
READ MORE:  Pagde-date nina Paulo at KC, saan nga ba tutungo?

Subalit, may isang IG follower, si @thisisusanims, ang nagkomento ng, “Just be a mother to your kids without all these bs of explanations you do!! #StopKris!! Damn, you [are] really embarrassing your kids later on in life!!”

Agad itong sinagot ni Kris at muli, nagpakita ng bangis ang aktres. “WTF is your problem? Colon cancer isn’t embarrassing, neither is bleeding ulcers. Papatol ako because I have the platform to let people know that EARLY DETECTION is freaking important.

“You are the embarrassment because you have zero compassion. DO NOT LECTURE ME about motherhood because I had the best possible role model, and her primary cancer was colon cancer.

READ MORE:  James Reid, lumolobo na raw ang ulo

“I don’t know you, [and] you personally don’t know me, BUT if our paths ever cross—fair warning, you crossed a line [with] me today [and] I am certainly going to stand my ground. TRY ME.”

Marami naman ang nakisimpatya kay Kris at kinuyog ang naturang basher.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

COMMENTS

About Maricris Valdez Nicasio

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved