Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Donnalyn, sinagip ni Ella sa pagkalunod
Donnalyn, sinagip ni Ella sa pagkalunod

Donnalyn, sinagip ni Ella sa pagkalunod

MALAKI ang dapat ipagpasalamat ng Viva Social Media Princess na si Donnalyn Bartolome sa kanyang co-star na si Ella Cruz sa pelikulang  Cry no Fear na mapapanood na sa mga sinehan dahil muntik na pala siyang malunod sa isang eksena at sinagip siya ni Ella.

READ MORE:  GMA-7, binibili raw ng isang kilalang kompanya sa Japan

Tsika ni Donnalyn, “’Yun nga po, muntik na kong malunod, siyempre, thankful ako na nandoon si Ella.”

Dagdag pa nito, “EH, hindi ko na po pala kaya… pagod na pagod na po ako.

“’Yun pala, nalulunod pala ang mga tao hindi dahil sa hindi na nila kayang lumangoy kundi dahil pagod na pagod.

READ MORE:  KC, bagay na leading lady ni Richard

“Kapag umaakyat ako, tubig pa rin ang naaano ko, hindi na ko makahinga.

“Humingi na po ako ng tulong, pero bago pa po makatalon sina Direk, nandoon na po si Ella sa likod kaya thankful po ako.

READ MORE:  KathNiel, parang Hollywood stars kung pagkaguluhan sa ibang bansa

“Pa­rang pagod na lang po talaga, ‘yung malulunod na ko, maggi-give-up na ko.”

Kaya naman mas naging makatotohanan ang nasabing eksena.

MATABIL
ni John Fontanilla

COMMENTS

About John Fontanilla

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved