Friday , August 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden, ayaw magpa-double sa mga stunt sa Victor Magtanggol
Alden, ayaw magpa-double sa mga stunt sa Victor Magtanggol

Alden, ayaw magpa-double sa mga stunt sa Victor Magtanggol

DAHIL espesyal para kay Alden Richards ang pinakabago niyang proyekto sa GMA na Victor Magtanggol, siniguro ng Kapuso actor na siya mismo ang gagawa ng lahat ng action scenes.

Kinunan ang unang action scene ng Pambansang Bae sa isang palengke na tumalon-talon at nagpadausdos sa tiles.

Ayon kay Alden, first time niyang ginawa ang mga stunt sa ilalim ng patnubay ng direktor na si Dominic Zapata. Malaki ang naitulong ng kanyang parkour training bilang paghahanda sa mga ganitong eksena.

READ MORE:  Direk Vince, nag-daring sa pelikulang Esoterica Manila

“Mostly kasi tipikal lang ‘yung mga fight scene na nagagawa ko with my past projects. Pero ito kakaiba. Na apply ko ‘yung natutuhan ko sa parkour,” ayon kay Alden.

Kaya naman kahit pagod, hindi ininda ni Alden ang hirap dahil enjoy siyang gawin ito para mapaganda lalo ang mga eksena.

READ MORE:  Empoy, masinop sa buhay

“Gusto ko kasi ito. Ganoon ako ka-inlove sa project na ito. Sabi ko nga when I took this project, ibubuhos ko rito lahat,” dagdag pa ni Alden.

Marami pang ganitong eksenang gagawin si Alden para sa Victor Magtanggol na ang istorya ng buhay ay puno ng drama, aksiyon, at adventure na sumasalamin sa buhay ng bawat Filipino.

READ MORE:  Marian, ‘di ugaling mang-agaw: Kung para sa akin, para sa akin!

At dahil nakatutok at puspusan ang kanyang preparasyon sa bagong role, kahit nga buwis-buhay ang ilang stunts, gusto niya na siya mismo ang gumagawa ng lahat hangga’t maaari.

“I see to it na majority of the scenes dito ako talaga ang gagawa, lahat ng stunts ako ang gagawa,” sinabi pa ni Alden.

Rated R
ni Rommel Gonzales

COMMENTS

About Rommel Gonzales

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved