Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vilma, Hilda, at Dawn, ‘di naglalagay para magka-award o mapuri

HINDI mo masusukat ang kahusayan ng isang aktres base sa mga lumalabas na press release o mga papuring alam na ninyo kung bakit. Hindi mo rin naman mapapalabas na magaling ka dahil nanalo ka ng isang award, dahil alam naman natin na rito sa atin may mga award na “nalalakad” kung hindi man “nabibili”. Hindi sa mga bagay na iyan nakikilala ang kahusayan ng isang artista dahil ano man ang sabihin, ang final arbiter pa rin ay ang publiko. Naniniwala ba sila na magaling ka?

Si Vilma Santos, bago pa man nanalo ng kanyang unang acting award, puwera siyempre iyong best child actress award na nakuha niya sa kanyang unang pelikula, ay kinikilala nang isang mahusay na aktres ng publiko, hindi lamang ng kanyang fans. Nanalo ng awards si Vilma, ilang beses pa nga siyang naka-grandslam, pero hindi nasabing “naglagay” siya o “nagbigay ng trip abroad” sa mga member ng mga award giving bodies para siya manalo. Hindi nasabing namigay siya ng pera para lang siya purihin ng press. Nakuha niya ang popularidad dahil sa suporta ng publiko, hindi lamang ng kanyang  fans.

Si Hilda Koronel, hindi naman madalas magkaroon iyan ng publisidad. Kung sabihin pa nga nila noong araw, may pagka-supladita iyang si Hilda. Pero pinupuri ang kanyang acting, at hindi siya kailangang magregalo para gawin nila iyon. Nanalo rin siya ng  awards, at hindi rin kailangang “maglagay” kasi nga magaling naman talaga siya.

Si Dawn Zulueta, sumikat iyang babaeng iyan nang hindi rin naman naglagay. Kaibigan namin iyang si Dawn ng napakatagal na panahon, pero ni minsan wala kaming nabalitaang kailangan niyang maglagay para magkaroon ng publisidad o manalo ng award.

Wala namang dahilan, napagkuwentuhan lang namin iyan dahil may mga naniniwala yata na kung “maglalagay” sila para manalo ng award ay made na sila. May naniniwala yatang magregalo ka lang nang magregalo susulatin ka ng lahat at sisikat ka na. In reality, sumikat ba?

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …