Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Oro at Azenith, pinagpiyestahan muna, magbabati rin naman
Oro at Azenith, pinagpiyestahan muna, magbabati rin naman

Oro at Azenith, pinagpiyestahan muna, magbabati rin naman

NAKATUTUWA pero naka­tatawa rin ang pagbabati sa wakas ng magkaibigang sina Elizabeth Oropesa at Azenith Briones. Naganap ito sa magkahiwalay na phone patch interview sa kanila nitong Biyernes sa showbiz program ng katotong Morly Alinio sa DZRH.

Nagsimula bilang blind item hanggang sa pinangalanan na sina Elizabeth at Azenith bilang magkaibigang nagkasira nang dahil sa alahas.

Lumantad na ang kuwento tungkol sa hikaw at singsing na nagkakahalagang P150,000 na ipinabebenta ni Oro kay Azenith. Pero kinuha itong muli ni Oro mula sa bag ng huli nang hindi man lang nagsabi.

READ MORE:  Project ng ElNella, on hold muna

Naganap ang insidente nang magsama ang dalawa sa isang kompromiso sa General Santos City noong Abril.

Hindi na nga itutuloy ni Oro ang balak na demanda dahil sa akusasyon ni Azenith na isa siyang magnanakaw, kahit hawak ng huli ang CCTV na magpapatunay sa kanyang alegasyon.

Ang maganda sa nasabing pagkakasundo ng dalawa, isa na lang kasamahan ni Oro sa showbiz ang kailangan niyang “aregluhin.”

READ MORE:  Michael, thankful sa tuloy-tuloy na suwerte

For the longest time—sa ‘di namin tiyak na dahilan—ay warla-warla sila ni Tetchie Agbayani. Kapwa nagpapa-sexy noon sina Tetchie (na naging pabalat pa ng German edition ng Playboy Magazine) at Oro. Nag-level up nga lang ang dalawa pagdating ng panahon.

Ang alam nami’y nasa healing o panggagamot si Oro sa ngayon. Tahimik ang kanyang pribadong buhay.

READ MORE:  Paolo Ballesteros, nagpapapansin? Die Beautiful, wala pang kasunod

Samantala, biyuda na si Azenith dahil yumao ang kanyang asawa sa sunog sa Resorts World Manila noong isang taon. Pero may-kaya siya sa San Pablo, Laguna.

At ito ang nakatatawang bahagi ng pagbabati nina Oro at Azenith—ganoon din pala at magkakapatawaran sila, bakit kailangan pang pagpiyestahan ang kanilang kaso sa media?

On their own ba’y hindi sila maaaring magbati? Why the need for media intervention?

(RONNIE CARRASCO III)

COMMENTS

About Ronnie Carrasco III

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved