Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anak ni Greta, nagpalitrato kasama si Claudine 
Anak ni Greta, nagpalitrato kasama si Claudine 

Anak ni Greta, nagpalitrato kasama si Claudine 

MALAPIT na sigurong magkabati, kundi man maging malapit uli sa isa’t isa, ang magkapatid na Gretchen Barretto at Claudine Barretto. Ang isang ebidensya ay: nagpalitrato si Claudine sa isang event na kasama ang anak ni Gretchen na si Dominique Cojuangco. Si Dominique mismo ang  nag-post sa kanyang Instagram [@dominique] kamakailan ng mga litrato nilang magtiyahin. (Si Dominique ay anak ni Gretchen sa live-in partner n’yang bilyonaryo na si Tonyboy Cojuangco.)

READ MORE:  Gerald, makikipagsabayan sa pagbirit sa All Of Me Valentines show

Maraming netizens ang natuwa dahil parang ‘yon ang kauna-unahang litrato ng magtiyahin. Mukhang kuha para sa isang local magazine ang larawan.

READ MORE:  JM, di raw totoong nagbalik-bisyo, ‘di rin daw totoong problema nila ang binata

Simpleng “Mega” lang ang inilagay ni Dominique na caption sa mga larawan, at pinadalhan n’ya ng kopya si Claudine.

A similar set of pictures were shared by Claudine on her page, which she captioned with “My heart,” before tagging Dominique as well.

Mga limang taon nang ‘di magkasundo sina Claudine at Gretchen. Pero dahil sa mga litratong ‘yon,  may mga umaasang magiging malapit na ulit ang magkapatid, pati na sa iba pa nilang mga kapatid, halimbawa’y si Marge Barretto na ina ni Julia Barretto.

READ MORE:  Erika Mae Salas, abot-kamay na ang mga pangarap!

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

COMMENTS

About Danny Vibas

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved