Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 2 Pinoy patay, 3 pa sugatan sa banggaan
2 Pinoy patay, 3 pa sugatan sa banggaan

2 Pinoy patay, 3 pa sugatan sa banggaan

PATAY ang dalawang Filipino at tatlong iba pa ang sugatan nang ma­sangkot sa banggaan sa Jizan, Saudi Arabia.

Sinabi ni Consul General Edgar Badajos ng Philippine Consulate sa Jeddah, papunta sa gro­cery ang mga Filipino nang masalpok ng van ang kanilang sinasakyan noong nakaraang Huwe­bes.

READ MORE:  De Lima no bail (Arrest warrant inisyu ng Muntinlupa court)

Patuloy na nagpapa­galing sa ospital ang mga sugatan na nabalian ng mga buto sa binti.

Naipagbigay-alam na umano sa mga pamilya ng mga Filipino ang kani­lang sinapit maging sa kanilang pinapasukang kompanya.

READ MORE:  3 kelot sinunog ng ‘Vigilantes’

Habang nangako ang konsulado na tutulong sa imbestigasyon, pagha­habol at pagsasampa ng kaso sa nakabanggaan nilang driver na isa uma­nong Saudi national.

“Kung may kasala­nan ang driver ng GMC [na nakabanggaan ng mga Pinoy], of course, meron ‘yang kaso. Maaari nating habulin. Isang tulong natin sa mga namatayan at mga na-injured ang pagtulong sa kaso na isasampa sa driver,” ayon sa opisyal.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved