Friday , April 19 2024
gun shot

Tambay todas sa boga

PATAY ang isang lalaking ‘pasaway’ sa kanilang lugar makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang sugatan ang 63-anyos tricycle driver na tinamaan ng ligaw na bala sa Malabon City, kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ni Malabon police chief, S/Supt. Harry Espela ang biktimang si Anthony de Jose, 28, residente sa 1st St., Brgy. Tañong, habang ginagamot sa Tondo Medical Center  si Jesus Algunajonata, 63, dahil sa tama ng ligaw na bala.

Ayon kay ni Brgy. Tañong kagawad Jun Buenaventura, pasaway umano sa kanilang lugar ang biktima at pumapasok sa mga bahay-bahay lalo kapag nalalasing.

Ayon sa imbestigasyon ni PO2 Rockymar Binayug, dakong 2:40 pm nasa 1st St., Desierto ang biktima nang biglang dumating ang suspek at pinagbabaril si De Jose na nag­resulta sa kanyang pagka­matay. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *