Wednesday , August 15 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Sereno tuluyang sinibak
Sereno tuluyang  sinibak

Sereno tuluyang sinibak

PINAGTIBAY ng Supreme Court ang pagsibak kay Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado makaraan ibasura ang kaniyang motion for reconsideration (MR) laban sa desisyon ng en banc sa quo warranto petition.

Ayon sa mga source, walong mahistrado ang nagbasura sa MR ni Sereno habang anim lang ang nagsabing dapat itong pagbigyan.

READ MORE:  Ex-Mayor Peewee, Roxas 10-taon kulong (Sa maanomalyang awarding ng public market mall)

Dagdag ng mga source, ibinasura ang MR sa kadahilanang wala itong sapat na merito.

Matatandaan, pinatalsik si Sereno bilang chief justice noong 11 Mayo.

READ MORE:  Hatag kay De Lima ng Bilibid drug lords idinetalye ni Aguirre

Bunsod ito ng kasong isinampa ng Office of the Solicitor General (OSG) na kumukuwestiyon sa kaniyang integridad na pamunuan ang hudikatura.

Ayon sa OSG, hindi dapat itinalaga si Sereno sa Supreme Court dahil kulang ang ipinasa niyang mga Statement of Assets, Liabilities, and Net worth (SALN).

READ MORE:  Ex-leftist leader OK sa Oplan Tokhang

Dagdag ng mga source, inatasan ng SC ang Judicial and Bar Council (JBC) na buksan ang aplikasyon sa bakanteng posisyon ng chief justice.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved