Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Relief goods sa Boracay kinakalawang
Relief goods sa Boracay kinakalawang

Relief goods sa Boracay kinakalawang

BORACAY ISLAND – Ikinatuwa ng mga resi­dente ng Brgy. Balabag ang natanggap nilang relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development at lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ngunit ang tulong na sana ay makapagpapabusog ng tiyan, ay itinapon lang sa basurahan.

Ito’y nang matanggap ng ilang mga residente ang kinakalawang na mga delata, na bumubula ang mga laman. Habang ang ibinigay na bigas ay may kasamang mga insekto.

READ MORE:  Human trafficking sa Baguio hotel iniimbestigahan

Magluluto sana ng pananghalian si Ester Bendola, residente ng Bala­bag, ngunit nang bi­nuk­san niya ang delatang sardinas at meat loaf ay nakita niyang ito ay na­ngingitim na at bumu­bula.

“Sana nasa mabuting kondisyon naman ang ibinigay nilang goods, ka­wawa naman kami. Pa­ano kung ‘yung mga bata ang nakabukas?” aniya.

READ MORE:  82% ng taga-Metro Manila pabor sa drug war ni Duterte — Palasyo

Dagdag ni Bendola, 2020 ang expiration date ng mga delata kaya nag­taka siya kung bakit panis na ang laman.

Ayon kay Leo Guin-ti­lla, administration chief ng DSWD sa Western Visayas, posibleng nagka-leakage at nakontamina ang canned goods at bigas habang dinadala patungong Boracay.

Aminado si Guintilla na galing sa kanilang warehouse sa Iloilo city ang goods at hindi rin nila itinangging may kaku­la­ngan sila sa pag-monitor ng hauling ng relief goods.

READ MORE:  Duterte sumalisi sa Marawi (Kahit may bakbakan)

Nakatanggap na uma­no ang kanilang tang­gapan ng walong rek­lamo mula sa mga residente at agad nilang pinalitan ng bagong canned goods at bigas ang mga kontaminadong ayu­da.

Dahil sa nangyari, mas paiigtingin ng ahen­siya ang quality control ng relief goods bago ibigay sa nga benipesaryo, ani Guintilla.

HATAW News Team

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved