Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Lim pumalag sa black prop
Lim pumalag sa black prop

Lim pumalag sa black prop

BINATIKOS kahapon ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim ang hindi awtorisadong paggamit ng kanyang pangalan para lamang sa ‘smear campaign’ laban sa mga politiko sa Maynila at upang pasamain ang kanyang imahen.

Ani Lim, sa kanyang buong political career ay hindi niya naging style ang paggamit ng ‘black propaganda’ at alam umano ng mga kalaban niya ‘yan na siya pa nga ang ginagamitan nito.

Natatawa umano si Lim na sa ganitong kaa­gang panahon ay tinatarget na siya ng mga natatakot sa kanyang pagbabalik, lalo nang siya ay magdeklarang tatakbo muli bilang mayor ng Maynila sa susunod na taon at nang sumapi siya sa ruling Partido Demo­kratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban) party na pinamumunuan ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III bilang president.

READ MORE:  Confiscated drug supply kakaunti na — PDEA-12

Ang mga pahayag ay ginawa ni Lim matapos malaman na may kumalat na video sa internet na nai-post ng isang Facebook account na ‘Ang Pagbabalik ni Mayor Lim’ na may kasama pang retrato niya at naglabas umano ng paninira kay dating vice mayor Isko Moreno at mga kasalukuyang city councilors, kasama si vice mayor Honey Lacuna.

Mabuti na lang, ani Lim, bago lumabas ang naturang video ay naglabas na siya ng press release na kinaklaro niya na iisa lang ang kanyang lehitimong FB account, ang ‘Alfredo Siojo Lim’ na hawak ng kanyang pamangkin na si Beverly Anne Siojo.

READ MORE:  “No permit, no travel clearance” (Oplan Sita PCP-6 ng Parañaque City Police)

Ayon kay Lim, mali­wanag na hindi rin naniniwala ang kampo ni Lacuna at mga konsehal na may kinalaman siya sa nasabing video, batay sa mainit na pagtanggap sa kanya nang sila ay magkita-kita sa isang restaurant sa  third district ng Maynila.

Aniya, hindi rin na­man kasi kapani-pani­wala na ang isang politiko ay magsasagawa ng ‘black propaganda’ na nakalagay pa ang kan­yang pangalan at larawan bilang siyang may kaga­gawan.

Sa nasabing pagkikita ay nagkamayan sina Lim at Lacuna bukod sa nag­bubulungan at nagtata­wa­nan.

Iniikot naman ni Councilor Jong Isip at ipina­kilala sa city coun­cilors at barangay chair­persons na naroon at lahat sila ay kinamayan din ni Lim.

READ MORE:  50 bahay sa Tondo natupok (Bahay ng kongresman nadamay)

Matatandaan na nag­la­bas ng paglilinaw si Lim na peke umano lahat ng  ibang social media accounts na gumagamit sa kanyang pangalan at binuo nang walang paa­lam sa kanya, matapos malaman na isang FB account na ”Katapat Fred Lim” ang naglabas ng post na “Lim-Jamias 2019” na pinalabas na ineendoso niya si Gen. Elmer Jamias para vice mayor.

Wala umanong masa­mang namamagitan sa kanila ni Jamias pero kailangan niyang ikaila ito dahil hindi ito totoo at ang kanyang magiging vice mayor ay depende umano sa magiging desisyon ng PDP-Laban.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved