Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kris, ipinaliwanag, tunay na rason kung bakit ‘di pa makabalik-TV
Kris, ipinaliwanag, tunay na rason kung bakit ‘di pa makabalik-TV

Kris, ipinaliwanag, tunay na rason kung bakit ‘di pa makabalik-TV

Sa muling pagtuntong ni Kris Aquino sa ABS-CBN para sa grand presscon ng I Love You, Hater, iisa ang tanong sa kanya ng entertainment media, kung may plano na siya uling mapanood sa telebisyon.

Pero bago sinagot ng aktres ang tanong ay ikinuwento muna niya ang naging reaksiyon ng anak niyang si Bimby pagpasok nila sa Kapamilya Network.

Aniya, “Bimb asked me that kanina noong pabalik kami rito (Dolphy Theater) tapos sinabi nga niya na ‘I missed that place so much, mama’ and then sabi ko, we’re only visiting honey, don’t expect anything.”

READ MORE:  Carlo Aquino, walang stress sa piling ni Kristine Nieto

At saka ipinaliwanag ni Kris ang mga dahilan kung bakit imposibleng makabalik siya sa TV.

“So, ganito na lang kasimple ‘yun.  I know the realities of life and I also know that the franchise is at stake, I’ve been so honest and diretsahan na ‘yan so why would they risk it by giving me a show?  Especially na kahit wala naman kaming isyu ni Presidente (Rodrigo Roa Duterte), hindi naman ako type ng supporters niya so naiintindihan ko kung bakit pero they see me every night if they want to, I’m online and I had 53 brands supporting me and I want to say, thank you to them (brand partners) because I’m also a businesswoman, alam ko naman na hindi ako kukunin for this movie had I not proven myself in digital because the role of a character as they said, Digital Empress.

READ MORE:  Drew, doble ang kasiyahan ngayong Kapaskuhan

“So, they wanted that and I was able to give it to them because, I’m the embodiment of that.  Nagawa ko dahil ako ‘yung nauna dahil nga walang choice, kailangan kong gawin but I’d like to say that I was able to do it because big businesses supported me kaya I wanted to say thank you to them kaya lahat ng nandiyan sa likod (supporters) kung walang nagki-click, nagbu-view, at walang nagsi-share hindi ako nakaupo rito ngayon.”

READ MORE:  Kuya Boy, iginiit na ayaw mapag-iwanan ang The Buzz kaya tinanggal na sa ere

Sagot ng JoshLia at Queen Krissy supporters sa sinabi ni Kris sa kanila, “we love you Kris” with matching hiyawan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved