Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bagay na mami-miss ni HB, ipinanga­landakan
Bagay na mami-miss ni HB, ipinanga­landakan

Bagay na mami-miss ni HB, ipinanga­landakan

NAPANSIN ng lahat ng shimmering at blooming si Kris sa ginanap na ILYH presscon sa suot niyang black blazer ng Balmain, ang kumikinang-kinang na pantalon na gawa ni Roland Mouret, at ang kumikintab-kintab na sapatos ay nabili sa Net-A- Porter online.

Hindi pa nagkasya ang lahat dahil ipinahubad pa ang suot na blazer ni Kris na ginawa naman niya at sabay display ng balingkinitan niyang katawan at binanggit niya na produkto ng tiis gandang session ng Ultherapy.

READ MORE:  Sex video ng mga artista, karaniwan na

”May pinatutunayan ako. Mayroon akong gusto makanood nito at magsisi. Hindi ako kumakain minsan, tinitiis talaga, dahil ang greatest motivation ng kahit sinong babae is to make those who made you feel that you are not good enough to regret their mistake.

READ MORE:  Anne, may problema sa Buzz ng Bayan? (Ayaw daw kasing mag-promote o mag-guest)

“Kinailangan ko lang na maramdaman niya, at kailangan ko na marinig niya na sinasabi mo ‘yan ngayon (maganda at sexy). Kinailangan ko na ‘pag mapanood sa big screen, dahil alam ko naman kung ilan ang billboards na tataas, para every time madaan sa billboard, masasamid,” katwiran ni Kris na halatang si Bistek ang pinatutungkulan.

READ MORE:  Ria atayde, ratsada sa Wansapanataym at MMK

Dagdag pa, “Hashtag Mayor, this is what you’re missing.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved